Chapter13

1257 Words
Amethyst “Malik? te-teka anong ginagawa mo dito?” Tanong ko dito ngunit tulad ng dati ay seryoso ito at masungit na tingin lamang ang iginawad sa akin.He's wearing a black tuxedo at pusturang pustura ito sa kanyang suot tulad ng isang totoong tao.Kung makikita lamang s'ya ng iba ay aakalain siguro nila na artista ito dahil sa angking tikas ng katawan ,tangkad at higit sa lahat ang angkin nitong kagwapuhan na aakalain mo ay modelo ng mga sikat na magazine.Yes i know better because i used to work as professional photographer sa isang malaking modeling company.He's looking on the other direction and seems like busy checking everything around him habang ako naman ay siya ang pinagmamasdan. “Te-teka? hindi ba't kami lang ni Aya ang nakakakita sa kanila? shit.” Dali kong nilingon ang mga pasahero ng jeep at pinagmasdan ang mga ito kung may kakaiba itong reaksyon sa akin.Nag aalala kasi ako na baka nakita nila akong nagsasalita ng mag isa at mapagkamalan pa akong nasisiraan na ng bait. “Hoy tigilan n'yo na ang pag papantasya kay miss beautiful kasi tignan n'yo oh? sa gwapo ng boyfriend nyang yan nakuha n'yo pang umasa.Eh parang model ng malaking ta-tar- tarpaulin ba yon? bading?” “Ang alin?” “Yung ano, yung nakalagay sa malaking building na tarpaulin ng mga model.” “Pinagsasabi mo d'yan be? ginawa mo pang tarpaulin ng kagawad yung yummy body ni pogi.Billboard kasi yun te.” “Asus, poge poge eh lamang lang naman sa'kin ng dalawang paligo yan.Di naman gaano nagkakalayo ang mukha naming dalawa.” Saad ng isang lalaki na ikina-ngiwi ng aking mukha. Kung ganun nakikita nila si Malik? Tanong ko sa aking isipan habang pasimpleng tumingin muli kay Malik. “Miss beautiful sasakay ka pa ba? tara na?” Sigaw ng lalaki.Akma ng pabuka ang aking bibig nang may muling humila sa aking kamay.Gulat ang rumihistro sa aking mukha ng mapagtanto kong hinila akong muli ni Malik paalis. “Miss beautiful sa sunod sabay na tayo ha!” Pahabol na sigaw ng lalaki na pilit ko lamang nginitian bilang tugon.Patuloy si Malik sa pag hila sa akin at mahigpit nitong hawak hawak ang aking kamay.Maya maya pa ay nakaramdam ako ng biglang pagkahilo. “Oh shit.” Sambit ko ng matumba ako.Ngunit labis na ng laki ang aking mga mata nang mapagtanto kong nasa tapat na kami ng puno kung saan ilang hakbang na lamang mula sa aming bahay. “Bwiset ka Malik! dapat sinabi mo sa'kin na mag teteleport ka para nakapag ready naman ako.Tignan mo naman halos mangudngod na yung pagmumukha ko sa bato ni hindi mo man lang ako hinawakan.” Saad ko habang nag papagpag ng kamay. “Masyadong makasalanan yang bibig mo.Dapat sayo pinarurusahan.” Nanglilisik ang mga mata nitong sambit.Oo nga pala't isa sa mga ayaw na ayaw nito ay ang makarinig ng mura. “Stupid me, how did i forget that?” Sambit ko sa aking isipan habang kagat ang mga labing nag iiwas ng tingin sa kanya. Galit na naman siya.Sa tuwing lagi kaming magkikita lagi na lang itong highblood sa akin. “So-sorry hindi na mauulit.” Sambit ko.Umilang hakbang ito patungo sa akin na siyang ikinalaki ng aking mga mata.Hanggang balikat lamang ako nito at halos mangudngod na nga ang pagmumukha ko sa kanyang dibdib sa lapit nito sa akin.Halos mapaliyad pa ako ng mag umpisa itong yumuko at mag pantay ang aming mga mukha.Muli nitong nilapit ang kanyang mukha and this time ay unti unti akong napapikit dahil sa dahan dahan nitong pag lapit ng kanyang mga labi sa akin.Lumipas na ang ilang segundo ngunit wala akong naramdaman na ano man kung kaya't idinilat ko ang aking isang mata at nagitla ako ng makita ko itong nakapikit at tila may ibinubulong na kung ano at maya maya pa'y hinipan nito ang aking noo.Saglit kaming nagkatitigang dalawa ngunit ang bwiset na Malik ay bigla akong binitawan na siyang nag resulta sa pagkabagsak ng aking pwetan. “Ouch! bwiset ka talaga!” Sigaw ko dito na mabilis nitong ikinalingon.Halos mapatakip ako sa aking bibig ng marealize kong sa pangalawang pagkakataon ay namura ko na naman ito.Muli kong nakagat ang aking labi habang papalapit ito sa akin. “Dapat sayo parusahan.” Nakakalokong ngisi nito. “Minalas na nga ako ngayong araw tapos paparusahan mo pa ako? sana okay ka lang." Inis na wika ko dito ngunit seryoso lamang akong tinitigan nito. “Hindi maganda na basta basta ka lamang nagtitiwala at nakikipag usap sa mga lalaking tulad nila.Hindi mo alam ang totoong motibo nila sa likod magandang bagay na ipinapakita nila sayo.Isa kang nilalang at may angking talino.Gamitin mo iyon at huwag puro kahangalan ang pinaiiral mo.” A-ano? lalaki? yung mga nakasakay ba kanina sa jeep ang tinutukoy n'ya? Tanong ko sa aking isipan. “Te-teka anong sabi mo? ako hangal? wa-wow!” Hindi makapaniwalang sambit ko.Hanggang sa umalis na ito at biglang naglaho. “Ahhhh bwiset ka.” Inis na sigaw ko. * “Huy te anong nangyari sayo? yung skirt mo may mga dahon dahon pa saan ka ba gumulong?” Pang iinis na tanong ni Aya. “Isa ka pa, pwede ba kota na ako sa kamalasan wag ka ng mang inis pa.” “Sungit naman nagtatanong lang eh.” Pabulong na sambit nito akma na akong papasok sa kwarto nang biglang mag ring ang aking telepono. “Hello? yes po.Talaga po? oh my god oo naman po! yes yes! kukunin ko po.Okay po see you tomorrow.” “Ahhhh.” Sigaw ko habang nag tatalon sa tuwa. “Huy ano ba yun te?” “Tumawag sa'kin yung mall management at ininform nila ako na available na ulit yung pwesto na gusto ko.Sa wakas! maitatayo ko na yung pangarap kong studio.” “Pero paano daw nangyari yun? eh diba nag text ka sa'kin kanina na negative na kamo at may nakakuha na ng pwesto at nag pirmahan na sila?” “Tanong ni Aya.Hindi ko din alam pero ang sabi sa'kin nung babae na naakausap ko nag back out daw sila kaya ako na yung tinawagan nila dahil alam nilang gustong gusto ko yung pwesto.OMG Aya this is it!” “Well, congrats ate.Kami ni Pearl una mong model ha?” “Aba oo naman.” Masayang natapos ang araw na iyon at taimtim din akong nagdasal at nagpasalamat sa lahat ng magandang nangyari ngayong araw. *** KINAUMAGAHAN, alas sais pasado na nang magising ako sa pagkakatulog.Ang weird lang ng pakiramdam ko dahil feeling ko may kakaiba sa'kin.Pilit kong inaalala kung ano ang aking napanaginipan kagabi pero kahit anong gawin ko ay wala akong maalala. “Ang weird.” Saad ko at diretso ng nagtungo sa comfort room.Akma na akong maghihilamos nang mapansin ko ang aking sarili sa salamin. “Ahhhhhhhhhhhhhhhh!” Sigaw ko na ikinatakbo ni aya. “Ate napano ka ba? bakit ka sumisigaw? te-teka anong nangyari sa labi mo?” “Natatawang tanong ni Aya.” “Para kang tinorrid kiss sa sobrang maga ng labi mo ah.Sinong kachukchakan mo kagabi?” “Natatawang tanong ni Aya kung kaya't sa labis na inis ko ay kinuha ko ang pang kuskos sa inidoro at ibinato iyon sa kanya na siyang mabilis nitong ikinatakbo palabas.” “Ay ate wag ha ha ha!” “Bwiset ka! yung lips ko! ahhhh! isa lang ang pwedeng gumawa sa'kin nito at ikaw lang ang maaring gumawa nito Malik.Hayyyyy! atticus!!!!!!! humanda sa'kin yang espasol mong amo!” Inis na bulalas ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD