Chapter 12

1108 Words
Amethyst Limang araw na ang nakalipas mag mula ng magising ako sa pagkakatulog ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nag papakita si Malik.Tulad ng kanyang sinabi kay Aya ay pinababantayan pa rin kami nitong magkakapatid kay Atticus.Napapansin ko nga na medyo nadadalas na ang pakikipag usap ni Aya dito kay atticus katulad na lamang ngayon.Akala mo kinikiliti sa tinggil kung makahalakhak.May nalalaman pang pahampas hampas kay Atticus.Kung kay Malik n'ya yan ginawa naku paniguradong nakalutang na naman yan sa ere. “Tss, ang boring nakakainis.” Katatapos ko lamang maligo at mag ayos.Nakagayak na rin ako.Naisipan ko kasing puntahan yung pwesto ng mall kung saan gustong gusto kong itayo yung magiging studio ko.Sa totoo lang nahihiya akong gamitin itong perang galing kay Malik dahil wala na nga akong mai-offer sa kanyang bayad tapos heto ako may panibagong utang na naman.Wala rin naman akong ibang choice kundi pansamantalang gamitin muna ang pera na ito dahil ayokong sayangin ang pagkakataon na ito para maitayo ko ang pangarap kong studio at isa pa, kung mag papabebe ako sa kanya at ibabalik itong pera, tiyak kong unti unti ring mauubos ang naipon kong pera na siyang pinaka ayaw kong mangyari.I can't afford to fail because i don't have a backup.I am their backup so kung kinakailangang umutang ako ulit sa engkantong yun ay gagawin ko. “Wag kang mag alala Malik my friend.Pangako pag kumita na ang pangkabuhayan showcase babayaran kaagad kita.” Sambit ko ng nakangiti habang nakatitig sa pera na pinipitik pitik pa.Kasalukuyan akong naglalakad sa labas nang bigla akong matigilan nang tawagin ako ni ate susan habang may bitbit pang walis sa kanyang kamay. “Aling susan magandang umaga ho, ano ho ba ang atin?” “Naku iha, wala nang mas gaganda pa sayo sa umaga he he.” “Naks naman si Ate susan 'yan ang gusto ko sainyo eh! pwera usog ho.” Biro ko dito at sabay pa kaming natawa. “Aba'y ito nga, kaya kita tinawag ay may sasabihin sana ako sayo.” “Ano po ba iyon Ate Susan? naku te ha, sinasabi ko sayo walay tayo kwarta ngayon kung mangungutang kayo pass muna.” “Ano ka ba hindi 'yun.Heto na nga, itong kapatid mo kasi na si Ayana.Lagi kong nakikitang nakatambay doon sa baba ng ilog tapos parang may kinakausap pero nung sinilip ko wala naman.Ang lakas pa nga ng tawa niya eh.Tapos siya lang naman mag isa.Ipatawas mo kaya yun.Baka kasi namamaligno na yang kapatid mo.” “Neke te keng merenig ke leng ni melek segeredo lulutang ke rin.” Pasimpleng wika ko habang nag iiwas ng paningin at kinakamot ang batok. “Ano Amethyst? may sinasabi ka ba?” Ay wala 'te! oo, yun nga ang sabi ko hayaan n'yo na yun si Aya kasi hindi tawas kailangan nun.Kundi sa mental.Oo dun ko ipapadala 'yun. Sambit ko dito na idinaan na lamang sa biro.Dapat talaga ay nag iingat din kami sa tuwing makakausap namin silang dalawa dahil ganyang kami lang pala ang nakakakita sa kanila so baka ang ending mapagkamalan pa kami ni Aya na bumigay na ang turnilyo sa utak dahil sa pagkamatay ni Nanay. “Hay ewan makaalis na nga.” * “Miss pasensya na talaga pero hindi na po available yung pwesto.May nakakuha na po nito and according to my records kahapon lang ito nakuha pasensya na.” It's already passed 12 in the afternoon at heto ako malungkot na kumakain ng empanada na nabili ko sa loob ng mall kanina bago ako umalis.Nakakapanghinayang lang dahil yun na ang pinakabest location na napili ko para sa itatayo kong studio.Excited na excited pa akong nag punta sa mall.Kahit sarado pa ang mall ay tiniis kong maghintay ng halos dalawang oras para lang makapag inquire sa mall management patungkol sa availability at leasing option only to find out na may nakakuha na pala nito. “Hay, kung minamalas ka nga naman.” Inis na sambit ko habang marahas na kinagat ang huling subo ng empanada. Nang makainom na ng tubig ay nagdisisyon na lamang akong umuwi na.Kasalukuyan akong nag lalakad ngayon papunta sa terminal ng jeep.Nasa malayo pa lamang ako ay dinig na dinig ko na maingay na boses ng matandang kundoktor. “ San Agustin, San pablo, kasya pa dalawa.” Hoy manong! anong kasya pa? eh kalahating pisnge na nga lang ng pwet ko ang nakaupo sa upuan dito! saan mo pa isisiksik yang dalawang sinasabi mo? eh tignan mo nga yang katawan ni ate halos pang dalawang tao yung katumbas.” “Oo nga ang sikip na dito!” Dinig kong reklamo ng mga tao sa loob ng jeep kung kaya't mula sa b****a ng jeep ay hingal na hingal na umatras pababa ang babaeng medyo may kabigatan ang katawan. “Ang aarte n'yo ang papanget n'yo naman atleast ako kahit mataba fresh pa din ang amoy di tulad nyo ang babaho at ang aasim pa!” Sigaw ng babae at mabilis na pumara ng taxi.Tanging iling na lamang ang nagawa ko sa isipang maghihintay na naman ako ng panibagong jeep na masasakyan ngunit agad akong tinawag ni manong kundoktor. “Miss kasya pa isa dito.” Muli ko na naman nadinig ang mga reklamo ng tao sa jeep pero wala na akong pakialam pa dahil sabi nga ni manong kasya pa ang isa. Hoy tanda sabi ng paandari... Nabitin ang sasabihin ng lalaki nang mag tungo na ako sa mismong b****a ng jeep.Sinipat ko pa nga ang bawat upuan kung totoong may espasyo pa para sa akin pero mukhang nag sasabi sila ng totoo dahil sa nakikita ko pa lang mula dito sa labas ay para na silang sardinas na pilit isiniksik sa iisang lata. “Ahm ,manong aabangan ko na lang po siguro yung susunod na jeep.” “Miss beautiful maraming space dito sa loob halika upo ka dito oh! ” “Oo nga! may malaking space pa dito sa puso ko just for you.” Wika ng isa pang lalaki na naka finger heart pa at panay kindat. “Sakay ka na sexy! matagal pa yung susunod na byahe.Ikaw din mangangawit ka d'yan.” Saad pa ng isa.Pilit na ngiti ang iginawad ko sa mga ito sa totoo lang ay ayaw ko sanang sumabay pero napag isip isip kong baka hapunin na ako ng uwi sa kahihintay sa susunod na jeep dahil dalawa lang naman ang jeep na bumabyahe patungong san pablo at san agustin dahil ang ibang jeep naman dito ay iba na ang ruta.Akma na akong aakyat patungo sa loob nang bigla ay may isang kamay ang humila sa akin. “Malik?” Gulat na sambit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD