Amethyst
*
Bago pa makahingi ng tulong ang kapatid mo sisiguruhin ko munang natikman na kita.Wag kang mag alala bubuntisin kita para one big happy family na tayo ha?
Tila wala sa sarili nitong saad at mabilis na hahalikan ako sa aking labi.
“Malik please kailangan kita.”
Umiiyak na sambit ko sa aking isipan habang mariin na nakapikit.Lumipas ang ilang sandali at tila natahimik ang paligid.Nang idilat ko ang aking mga mata ay bumulaga sa akin si Malik na ngayon ay nakatayo sa aking tabi habang itim ang mga matang nakatitig sa nakalutang na si Emman.Nagtatagis ang kanyang mga bagang habang titig na titig dito.
“Lapastangang nilalang.”
Nakasisindak na sambit nito.Ngayon ko lamang narinig ang ganitong boses ni Malik.Tila may dalawang katauhan sa iisa nitong katawan na animo'y sinasaniban ito sa lalim ng kanyang boses.
“Pagbabayaran mo ang kapahangasang ginawa mo.”
Saad ni Malik at maya maya pa'y bumagsak sa aking harapan si Emman pero this time tulala na ito.
Nanginginig ang aking buong katawan na pinagmasmasdan ang tulalang si Emman.Naramdaman ko na lamang na may bagay na tumakip sa aking buong katawan.Yumuko si Malik sa aking harapan at tinitigan ang aking mga mata at saka hinaplos nito ang aking labi na may bahid pa ng dugo dulot ng pagkakasapak sa akin ni Emman.
“Pinagaling ko na ang iyong mga sugat at pasa.Huwag kang mag alala.Hindi ka na niya magugulo kailanman.”
Saad nito ngunit sa labis na takot at bigat na aking nadarama ay malakas akong pumalahaw ng iyak at mahigpit itong niyakap.Sa mga oras na iyon ay naramdaman kong ligtas ako sa kanyang tabi.
“Tahan na.Kalimutan mo na ang bagay na ito.Nangangako akong hindi na ito mangyayari sa iyo muli.”
Saad nito at maya maya pa'y binuhat ako nito patungo sa aking kwarto at huling natatandaan ko na lamang ay ang pagdampi nito ng kanyang palad sa aking mga mata at saka unti unting bumigat ang aking mga talukap at nakaramdam ako ng matinding pagkaantok.
*
Ate!!!
Sigaw ni Aya at mabilis akong dinamba ng yakap.
“Te-teka kumusta kayo? ha? si pearl? asan pearl?”
Natatarantang tanong ko.
“Ate kumalma ka.Ayos lang kami ni Pearl.Ikaw kumusta ka? naku humanda talaga yun sa'kin si Atticus.Sabi niya hayaan lang daw kitang mag pahinga.Dahil kahit daw pinagaling ka na ni Malik kailangan mo pa rin daw mag hilom pero yung pahinga na sinasabi niya inabot ka na ng limang araw na tulog.”
Ano???? limang araw na akong tulog?
Gulat na tanong ko.
“Oo ate.Limang araw ka ng tulog.Kailangan mo daw kasi yun sabi ni Malik dahil ang tanging kaya lang daw ng mga tulad nila ay ang mag pagaling ng sugat at pasa pero ang mag pagaling ng takot at sugat sa puso dulot ng hindi magandang pangyayari ay wala na daw sa kanilang kakayahan.”
Saad ni Aya.
“Si Emman nasaan na siya?Kailangan pag bayaran niya ang ginawa niya sa akin.”
Natatarantang saad ko ngunit kunot noo lamang akong tinitigan ni Aya.
“Ate, nakakukong na ngayon si Tito emman pero alam mo ba? nung madatnan namin siya tulala na lang siya na parang wala na sa sarili hanggang sa inaresto na lang siya.”
Wika ni Aya.
Natatandaan ko pa rin ang nangyari nung hapon na 'yun.At natatandaan ko rin ang panunumpa ni Malik na hinding hindi ako nito masasaktan pa o mahahawakan pa.
“Alam mo ate buti na lang talaga mabait yang si Malik eh no.”
Saad nito at mabilis na nag tungo sa drawer at may kinuha ng kung ano.Maya maya pa'y inilapag nito ang bagay na iyon sa aking paanan na labis kong ikinagulat.
Charaaaaaan!!!!!
Te-teka saan galing ang mga yan? bakit ang dami?
“Ate, nag paabot si Malik ng isang gintong porselas.Ang sabi ni Atticus gamitin ko daw iyon para kahit nag papahinga ka ay may magagamit kami ni baby Pearl.Kaya nung inabot niya sa'kin yun hindi ko na tinanggihan pa.Nag punta kaagad ako sa pawnshop at isinangla yun.Nagulat nga ako kasi katumbas pala ng porselas na 'yun ay two hundred fifty thousand.”
Saad nito na ikinagulat ko.
“Alam mo na hindi lang yan ang chika? naku sa limang araw ng borlok ka d'yan sa higaan araw araw nakabantay yung si Malik sa labas ng bahay.At sa limang araw na 'yun, lagi rin kaming magkachismisan nitong si Atticus.”
Wika ni Aya.
“Anong ibig mong sabihin?”
Tanong ko.
“Heto na nga ang latest update, eto pa lang si papa mo Malik ay may katungkulan sa mundo nila.”
Katungkulan?
“Oo! pero hindi lang daw basta basta katungkulan.Isa daw palang prinsipe yang si Papa mo Malik sa mundo ng mga engkanto oh pak bongga!”
“Prinsepe?”
“Oo ate anak daw ng Hari at Reyna ganern.Pero eto pa ang chismis kumapit ka.”
Ano?
“Eto daw si Malik ay itinakwil.”
Saad ni Aya na ikinalaki ng aking mga mata.
Ano? pe-pero bakit daw?
“Oops, im sorry to say sister pero hanggang doon lang ang ichinika ni Atticus.Hindi ko rin alam kung bakit.Pero gusto mo isa pa?”
Nakakalokong ngiti ni Aya.
“Ano nga? parang tanga naman putol putol.”
Naiinip na sabi ko.
“Heto na nga, kumapit ka! ang chika ni Atticus kaya raw pabalik balik yan dito si papa mo Malik sa mundo ng mga tao ay dahil daw long time ago nainlove daw ito si Malik sa isang tao.At yung babaeng 'yun daw ay binabantayan pa din niya dito magpahanggang ngayon.”
Saad ni Aya na ikipipil ng aking labi.