"Mayday?!" Nginitian ko siya at niyakap. "Ahjumma" Malambing kong sabi habang yakap yakap ko parin siya tsaka ako humiwalay. Nang malaman kong parating na sila mommy dito kahapon , napag isipan ko na agad na dalawin si Ahjumma kinabukasan ( which is ngayon ) para makapagpaalam . Sinabi rin sakin ni mommy kagabi nung tumawag siya ulit na sa America na raw kami titira kasama si Tito Xander "Bakit ngayon ka lang dumalaw bata ka , halika pumasok ka" Pumasok kami sa loob at umupo sa sofa. Saglit siyang umalis upang ipaghanda ako ng makakain. Nilapag niya ang tray na may lamang juice at cookies sabay umupo sa tabi ko. "Bakit hindi ka sumama sa boyfriend mo nung nakaraang araw na bumista siya dito para magbalita tungkol sa imbestigasyon" Mapait akong napangiti "Yun na nga lang yung araw

