Dinilat ko ang mga mata ko , sumalubong sakin ang isang mamahalin at kumikinang na chandelier dahil sa tumatamang sinag ng araw. Napaka ganda rin ng wallpaper ng malaking kwarto na to. Teka nasan ba ako? Dumako ang paningin ko sa lalaking nakayuko at hawak hawak ang kamay ko. Naningkit ang mga mata ko at iniisip kung sino ito. Ano nga bang huling nangyari kagabi? Inalala ko ang nangyari kagabi at muling tinignan ang lalaking nakahawak sa kamay ko at natutulog. "Henry" Mukhang tulog na tulog siya kaya medyo inalog ko siya. Tsaka ko lang napansin ang apparatus na nakasaksak kamay ko. Napakunot noo ako , bakit meron ako nito? Iba na rin ang suot ko. "You're awake !" Gulat na sabi ni Henry. "Obviously?" Sarcastic kong sabi habang nakatitig parin sa kamay ko. "What happened?" Nag angat

