"Hey. So kailan tayo magsstart ng project?"
Bungad ko kayla Jacob at Xavier. Nilapag ko ang tray ko sa table at umupo sa tapat nila.
"Excuse me? Why are you sitting--"
Agad kong pinutol ang sinabi ni Jacob.
"I was thinking na dapat mamaya na kasi , friday na ang pasahan magpapaprint pa tayo"
Hindi makapaniwalang tingin ang pinukol sakin ni Jacob samantalang si Xavier ay papalit palit ang tingin samin.
"Sainyo tayo gumawa ah"
Masaya kong suhestiyon. Ano kayang itsura ng condo niya? Malinis kaya o marumi katulad ng condo ng tipikal na lalaki? Hmmm
"Hindi pwede saakin"
"Ha? Eh san tayo!"
"Hatiin nalang natin ang task"
Napahampas ako sa table na ikinagulat ni Xavier.
"Hindi pwede !"
Hindi pwede , gusto kong makapunta sainyo !
"At bakit? Mas mapapadali kapag ganun di na natin kailangan magkita"
Hindi ako papayag na hindi kami magkita ! Hindi niya ba nagegets na meant to be kami na magpartner para magkasama kami tapos ganito ang sasabihin niya?! No way ! Highway ! Isip ka ng palusot MD. Come on think.
"Kailangan natin magbrain storming !"
"Para saan pa ang gadgets at internet?"
"Hindi mo naiintindihan ! Kailangan malinaw ang usapan mas magiging maayos kapag sa personal. Mas magkakaintindihan!"
Okay I am so damn good in making excuses ! *clap clap*
"Okay. Edi sainyo."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What the hell , I wasnt ready for that .
"What?! No !"
"Bakit wala kayong bahay?"
"Wala! Ay este hindi pwede samin"
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Saan tayo?"
Tanong niya , napakagat naman ako sa labi ko. Ayaw niya sa kanila , hindi naman pwede samin kasi nga ang goal ko makapunta sa kanila. Ano ba too.
"Ahm. Ano kaya kung sa cafe nalang malapit sa condo mo jacob?"
"Oo tama doon nalang!"
Agad kong sinang-ayunan ang suggestion ni Xavier. Oh my gosh ! You just saved my ass Xavier ! Thank you for that. Hulog ka ng langit. Nahulog siya kasi di siya pwede dun hmp.
"okay fine. 6pm sharp ayoko ng nalalate"
"Roger that!"
At nagsalute sign ako. Okay na yun , atleast malapit parin sa condo niya.
"Hey Ms MD. Di mo sinabi na lumipat ka na pala ng pwesto"
Bati sakin ni Krissy at nilapag niya ang tray niya tapos umupo sa tabi ko.
"What the hell do you think you're doing?"
Masungit na sabi ni Jacob.
"Sitting? Oh Hi Xavier , Hi jacob. Anyway , alam mo bang kinasal na si kuya nathan"
"What no way !"
Hindi makapaniwala kong sabi , si kuya nathan yung ultimate crush namin ni krissy na alumni dito sa school. Grade 11 siya , 1st yr highschool kami. Siya si Mr. Perfect , you wont believe it pero nag eexist ang tulad niya. Nasa kanya na ang lahat. Gwapo , mayaman , matalino , talented , sporty , God fearing at mabait .
"Kahapon sila kinasal ! At my goodness di ko kinaya ang kagwapuhan niya sa suot niya!!"
Kinikilig na sabi ni Krissy. Oh my gosh feeling hihimatayin ako kapag nakita ko siyang nakapangkasal. Pero grabe kinasal na siya , pano na ako? Pano na kami? Ay wala palang kami.
"This is unbelievable"
Rinig kong sabi ni Jacob pero di ko nalang pinansin.
"Nakakainis nga kagabi ko lang nalaman! Ang daming teachers na umattend"
"Oh my gosh Im so naiingit. Send me some pics please!"
Pinagdikit ko ang dalawa kong palad at nagpout.
"Damn it !"
Padabog na tumayo si Jacob at umalis.
"Problema nun?"
Tanong ko kay Xavier pero nagkibit balikat lang siya.
"Mauna na rin ako"
Kinuha niya ang bag niya at sumunod kay Jacob.
"Ayaw ba nila tayo kasama?"
Inosenteng tanong ni Krissy.
"Idunno ! Sige ituloy mo na ang pag kkwento !"
Excited kong sabi.
✖✖
Sa pangatlong beses muli kong tinignan ang relo ko.
Gosh , 6:15pm na ! Akala ko ba ayaw niya ng nalalate eh bakit siya mismo late. Ah , ayaw niya ng nalalate kasi siya mismo nagpapalate ! Mautak ah. Pero naiirita na ako. Feeling ko nawawalan na ng bisa yung cream at foundation na nilagay ko sa mukha ko. Tapos nawawala na yung lip gloss sa labi ko. Naiistress na rin yung kilay ko my goodness.
Okay mag aantay ako ng onting onti pa.
waiting...
Waiting...
Waiting..
Time check 6:20pm , thats it ! Hindi ko na kayang mag hintay pupuntahan ko na siya sa condo niya. Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng cafe. Sabi ni krissy ang nag iisang condo raw na malapit sa cafe ay sa kaliwa tas diretso lang. Kaya sinunod ko ito. Syempre di ako pupunta ng di ready no , mautak to ! Napatigil ako ng may makitang condominium. Ito na ata yun. Maglalakad na sana ako papasok ng may makita akong mga lalaking nakaitim at may pinalilibutan silang lalaki. Lumapit ako ng onti.
"Wag ka ng matigas bata sumama ka na"
Sabi nung lalaki pero pilit na lumalaban yung hostage nila? Hanuraww hostage? Kinikidnap pala. May pumarada na van at pumasok ang isang lalaking nakaitim dun kaya mas malinaw kong nakita ang kinikidnap nilang lalaki na nakikipaglaban sa limang nakaitim na lalaki.
Grabe ang galing niyang makipaglaban ah ! Parang action star. Oh yan ! Suntukin mo dyan ! Tama ! Sige suntukin mo ! OH MY GOSH ! SA LIKOD MO. Napasinghap ako ng tamaan si kuyang action star sa likod , hinampas siya ng kahoy nung isang men in black kaya napaluhod siya at hinawakan siya sa magkabilang braso.
"Ang kulit mo kasi sabing sumama ka nalang eh tutal ayaw mo naman ibigay ang hinihingi namin."
Sinuntok niya sa sikmura si kuyang action star, inangat nito ang ulo niya at napasinghap ako sa nakita ko. Oh my goodness ! SI JACOB ! Napalabas ako sa pinagtataguan ko at nakita kong nakita niya ako.
"Itayo niyo na yan."
Tinayo nila si jacob pero pilit itong kumakawala akmang tatakbo ako para tulungan siya pero inilingan niya ako. Napansin ata nung isang kuya kaya lumingon siya sa direksyon ko at agad naman akong nagtago ulit. Sumilip ako ng onti para makita ang nangyayari. Pinasok nila sa van si jacob. Napakagat ako sa labi ko sa kaba. Anong gagawin ko?! Tatawag na ba ako ng pulis ?! My gosh baka kung anong gawin nila kay jacob! Anong gagawin ko?! Hindi ko alam ! Sobrang kaba yung nadarama ko. Pakiramdam ko lalabas na yung puso ko sa katawan ko ! Oh Lord , tulungan niyo po si jacob kahit masungit siya , masungit po siya talaga. Napaangat ako ng tingin ng makitang dumaan na yung van.
HALAA ! OH MY GOSH ! OH MY GOSH ! NAKAALIS NA YUNG VAN ! KINIDNAP SI JACOB !!!!! KINIDNAP SI JACOOOOOB
Anong gagawin ko ! Huhu. Hindi ako mapakali ! Kanina pa ako palakad lakad. Lumabas ako sa pinagtataguan ko at tinignan yung lugar kung saan nakipagbakbakan si Jacob kanina. Napakunot ang noo ko ng mapansin may bagay na umiilaw. Kaya lumapit ako dito at dinampot ang isang CELLPHONE?!
May nakatype dun sa cellphone , OMG. Nag iwan ng note sakin si Jacob.
Go to my unit ( 516 ) get the briefcase sa banyo , 10th tiles. Go to tito jack tell him to track me. Dont let anyone see the briefcase. Dont tell the police. ITY.
WOOOW naman pala ! Grabe siya oh. More utos more fun. At ano raw? ITY? ano to ? I thank you? Hindi kaya natypo? ILY talaga ? Charing lang. Mamaya na landi , ililigtas ko muna ang prince charming..
Umakyat ako sa condo niya at nagulat ako ng makitang bukas ang pinto. Pumasok ako at halos mapaatras ako ng makitang gulo gulo ang gamit niya. Maraming basag na gamit ang gulo as in. Ano bang kailangan nila kay Jacob? Mukha namang hindi siya kinidnap dahil sa pera para bang may gustong kunin sa kanya.
Aish. Mamaya ko na nga yun iisipin ! Hahanapin ko muna ang briefcase ni kamahalan. Pumasok ako sa banyo at nagbilang ng tiles.
8
9
10
Ito na ata , kinapa kapa ko yung gilid at may nahawakan akong parang bukasan. Inangat ko ang tiles at nakita ko ang briefcase. Kinuha ko ito , ano kayang laman nito? Hindi kaya ito ang gustong kunin sa kanya nung mga men in black.
Napahinga ako ng malalim. Okay pano ko naman mapupuntahan yung tito jack niya? Wala naman siyang binigay na address. Napatingin naman ako sa phone na bukas na hawak ko. Stupid MD , anong gamit ng phone na iniwan sakin ni Jacob. Tsk tsk tsk.
Okay , contacts and find tito jack . Nakikitito ako lol. What the ! BAKIT WALANG LAMAN ANG CONTACTS NIYA ! Tao ba to?! Napaka useful ng cellphone niya ah grabee. So paano ko ngayon hahanapin yung Tito Jack na yun?! Hays pahirap naman sa buhay tong si Jacob eh. Tumayo ako at nilibot ang condo niya baka makahanap ako ng clue dito. Okay feeling detective. Kinalkal ko na yung buong kwarto niya pero wala akong nakita maliban sa scrapbook sa closet niya. Wahahaha mukhang ginawa niya pa yun nung bata siya , ang cute niya sa picture kaya kinuha ko lol. Di naman siguro siya magagalit, aba ! Nagpapakahirap akong gumawa ng paraan dito para iligtas siya , choosy pa siya ayaw pa ipaalam sa pulis tsk.
Napadpad ako sa kusina , tamang tama nauuhaw na ako. Akmang bubuksan ko na yung ref ng may mapansin akong papel. Kinuha ko ito at binasa. Nanlaki ang mata mo at binasa ulit ang nakasulat. Walangya ! ADDRESS TO NUNG TITO JACK !
Agad akong tumakbo palabas at nag para ng taxi
------------