"Krissy"
"Yes Ms MD?"
Napatigil siya sa pagkain.
"Do you know that guy who sat on my chair awhile ago?"
Inayos niya ang eye glasses niya. Si Krissy yung lagi kong kasama , siya yung palagi kong pinagtatanungan ng mga bagay bagay kasi parang alam niya lahat. Lagi niyang suot ang makapal niyang glasses at laging dala ang tablet niya. In short may pagka nerd siya.
"He's name is Jacob Louis S. Yco , 17 yrs old."
"Hindi natin siya kaklase , why is he in our room?"
"Hmm , ang sabi nilipat daw sa section natin Jacob kasi matalino raw ito talaga. Matagal na natin dapat siya kaklase ngayon lang siya pumayag na maging section 1"
Wow pa VIP ah. Ngayon lang ako nakarinig na tumanggi sa pagiging section 1 like hello pangarap ng lahat ng taga school yan no. Kapag nasa section 1 ka matalino ka na kahit wala ka sa top 10 pero much better na nasa top 10 ka dahil bukod sa high grades magiging kilala ka pa sa school pero kung matagal na namin siya dapat kaklase ibig sabihin ayaw niya talaga but why sudden change of mind?
"Is he rich or something?"
"No one knows. Basta 9 yrs old palang siyang bumukod na siya. Wala na siyang pamilya , nakatira siya sa tito niya dati pero umalis din siya dun. Nakatira siya ngayon mag isa sa condo niya"
He must be rich para manirahan mag isa. He's tough ah , hindi biro ang pagiging independent at a very young age. Tinignan ko yung table nila Jacob kasama niya ulit yung lalaking maingay.
Masyado siyang misteryoso.
"Bakit Ms MD? Type mo si Jacob?"
"What ? No ! Eww."
Ngumiti ng nakakaloko si Krissy , inirapan ko nalang siya at pinagpatuloy ang pagkain.
Crush psh. That's bullsh*t.
After we ate, nagtungo na kami pabalik ng school. Tapos diretso uwi after class, hindi katulad ng ibang teenagers na nakakagala pa or nakakapunta sa mall pagkatapos ng klase dahil bantay sarado ako ang gusto ni angkong pagkatapos ng klase uwi na. Kaya wala rin siguro akong kaibigan bukod kay Krissy at Aldrin.
Kinabukasan maganda ang gising ko dahil naeexcite akong makita ulit si Jacob for no apparent reason. Napatigil ako sa pag aayos ng buhok ko nang may kumatok.
"Ms. MD? Hindi pa po ba kayo bababa? Baka malate na po kayo."
Sabi ng katulong namin. Naffrustrate na ako sa buhok at bangs ko. I've been combing my hair for almost 1hr ! At hanggang ngayon hindi parin ako satisfied sa ayos ko. Naglagay ako ng lip gloss at sa huling pagkakataon ay sinuklay ang buhok ko at inayos ang manipis kong bangs.
"Quiet perfect"
Nakangisi kong sabi habang nakaharap sa salamin. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Akmang papasok na ako ng van ng may maalala ako.
"My gosh I forgot my perfume , please get it for me yaya"
Tumango ang katulong at tumakbo sa loob. Pumasok naman ako sa loob ng van at doon hinintay ang katulong namin. Maya maya ay nakarinig ako ng katok mula sa labas.
Binuksan ko ang pinto ng van at bumungad sakin ang hingal na hingal naming katulong.
"Ito na po ang perfume Ms MD!"
"Sprayan mo ko ng onti"
Agad niya akong sinunod. Inisprayan niya ang leeg at damit ko tapos nilagay ang perfume ko sa loob ng bag ko. Sinara ko na ang pinto at umaandar na ako kotse.
Pinasak ko ang earphones sa tenga ko at pinikit ang mga mata ko. Kailangan pagpasok ko ng school fresh at maganda ako. Sisiguraduhin kong mapapatingin silang lahat sakin especially Jacob.
Tumigil ang van senyales na nandito na kami. Umikot ang driver namin para pagbuksan ako. Inalalayan niya akong bumaba at tsaka sinara ang pinto ng van. Nakakuha agad ako ng atensyon. Taas noo akong naglakad papasok at hindi pinapansin ang mga nakatingin sakin.
Napatigil ako ng may makitang pamilyar na tao. Si jacob ba yun? Napangiti ako at tinanggal ko ang earphones ko tapos ay nagtungo sa direksyon nila.
"He has married many women but has never been married who is he?"
Tanong nung lalaking maingay.
"A priest"
Confident kong sagot. Napatingin naman silang dalawa sakin. Tinaasan ako ng kilay nung kasama ni Jacob kaya tinaasan ko rin siya ng kilay.
"Diba ikaw yung babaeng bigla biglang nambabato ng bato samin?"
" FYI ikaw lang ang binato ko hindi kasama si jacob psh"
"You know jacob? What are you? Friends?!"
Hindi makapaniwalang tanong nung kasama ni Jacob gusto ko siyang tawanan kasi ang OA ng expression niya.
"How did you know my name huh?"
Maangas na sabi ni jacob kaya nilingunan ko siya at nagpacute pero parang di naman siya tinablan ng charm ko kasi nakapoker face lang siya kaya tinigil ko na ang pagpapacute. Psh ! Alien ba siya? Ilang oras kong sinuklay ang buhok ko tas di man lang niya napansin. I hate him.
"I have my source"
"tss stalker."
At naglakad paalis ni jacob.
"Hey wait for me !"
Susundan ko na sana siya ng biglang may humawak sa braso ko.
"Bago ka bang kaibigan ni Jacob?"
Nakangiting sabi nung kasama ni jacob , tinignan ko lang siya ng nakakadiring look.
"Welcomee ! Sa wakas di na ako nag iisa. Dahil bago kang kaibigan ni Jacob kakalimutan ko na ang pambabato mo sakin. I'm Xavier Tan"
Inabot niya ang kamay niya sakin pero tinignan ko lang ito.
"I dont care"
Sabay iniwan ko siya dun at sinundan si Jacob. Hays ! Napakasungit talaga ng lalaking yun.
Jacob's POV
Ang ingay nilang dalawa , tama na ngang si Xavier lang ang nag iingay sa buhay ko ngayon nadagdagan nanaman ng isang lunatic. At ano raw kaibigan? Huh. Dream on. Nagsstick ako sinabi ni Ate Jez sakin na dont trust anyone . Nagawa nga akong lokohin ni tito jack ibang tao pa kaya.
Ang isang katulad ni Mayday ay hindi magkakainteres sakin kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya ako kinukulit. Dahil ba sa upuan niya? Sige di na ako dun uupo para sa ikakatahimik niya psh.
Pumasok ako ng classroom at napatahimik ang lahat. Okay.. what the hell is their problem? Nagkibit balikat nalang ako at umupo sa kabilang dulo , malayo sa upuan ni Mayday. Ayoko siyang makatabi.
Maaga pa naman kaya iidlip muna ako.
MD's POV
Padabog kong binuksan ang pinto , napatingin silang lahat sakin pero wala akong pake agad kong hinanap si Jacob. Where the hell is that guy? Gotcha ! Natutulog nanaman siya tss. Agad akong naglakad papunta sa kanya kaso saktong nasa tapat na niya ako ng biglang may humarang.
"Ms MD ang ganda niyo po ngayon , tanggapin niyo po itong bulaklak na binili ko para sainyo"
Nakayukong sabi ng kaklase kong lalaki. Napataas naman ang kilay ko.
"I dont like flowers , sareh."
Nilagpasan ko siya at uupo na sana ako sa tabi ni Jacob ng makitang may bag sa tabi nito. Pambihira ang dami namang sagabal tss.
"Hey flower boy"
Tawag ko dun sa nagbigay sakin ng bulaklak. Hindi siya makapaniwalang lumingon sakin.
"Can you please get this bag? Uupo kasi ako"
Nanlumo naman siya bigla. What? Ano ba iniexpect niyang sabihin ko? Sinunod naman ni flower boy ang utos ko. Kinuha niya ang bag at umalis. Sa wakas ! Umupo ako sa tabi ni Jacob at nakalumbabang tinignan siya. Bakit ganun kahit nakayuko siya ang perfect niya? Tapos ang bango bango pa niya. My gosh nababaliw na ata ako. Umiling ako at sinampal ang sarili ko. Get your ass together MD. Wag mong pagnasaan ang masungit na kumag na yan. Tama ! Saktong pumasok ang prof sa classroom.
Tinignan ko si Jacob na tulog parin. Gigisingin ko ba siya? Ano ba mayday wag mo siyang pakielamanan. Pero baka pagalitan siya . Eh ano bagay lang sa kanya yun ang sungit sungit niya eh. Ayan na nasa may table si mam. Nagdadalawang isip ako na kalabitin siya. Hays ! Bahala na nga !
Sa huli ay kinalabit ko rin si Jacob. Just like yesterday ang messy parin ng hair niya pero gwapo parin.
Tinignan niya ako ng masama pero tumayo lang ako at tinuro si mam. Binati namin si mam at pinaupo na niya kami.
"So ang magiging project niyo sakin ay konseptong papel. Gagawa kayo ng konseptong papel by pair at ipapasa sa friday"
What friday?! Hello wednesday na ngayon ! Anong akala niya siya lang subject namin?! Tsss.
"Wag na kayong magreklamo dahil madali lang naman ang gagawin niyo tapos by pair pa. Ipopost ko sa grouo natin ang infos at example"
nagtaas ng kamay ang kaklase kong babae.
"Ano yun?"
"Mam sino pong magkapartner?"
Palihim naman akong napatingin kay Jacob na seryosong nakatingin kay Mam. Malabong maging magkapartner kami nito.
"Ang magkapartner ay ang magkatabi"
"YES!"
Napatingin silang lahat sakin. Ops napalakas ata. Napakagat ako sa labi ko at napakamot sa ulo. Dapat sa utak ko lang yun sasabihin eh kaso nasigaw ko , nakakahiya.
"Pssh"
Napangiti naman ako sa naging reaksyon ni Jacob
Hah ! Partner tayo in your face !
----------------