Para siyang di makahinga sa narinig mula kay Darius. Parang sumosobra na ito. Porke't malaki ang nagawa niyang kasalanan rito at ng ate niya ay ganito na itong magsalita sa kanya ngayon. "Hindi po kami manggagamit, Oo nagkamali ang ate ko sa'yo at pati na rin ako dahil nasaktan kita, pero hindi po kami manggagamit, Sir Darius." Aniyang di napigilan ang pagpatak na naman sa kanyang mga luha sa harap nito. " So, ano ba ang bagay kong itawag sa inyo? Manloloko, di makontento, ganoon? Hindi mo ako, masisisi, Sarah, dahil sa ginawa mo sa akin ay biglang nag-iba ang paningin ko sa'yo. Mabuti nalang at nakilala kita agad habang di pa kita napakasalan. Dahil uulitin ko, hindi ang tulad mo ang gusto kong makasama habang buhay, kaya kung ako pa sa'yo, itigil mo nalang kung ano pang mga binabala

