Matapos siyang magdilig ay natapos na rin ang paglilinis nina Belyn at Gina sa mga na cutting na halaman ng hardinero. At mas lalong naging maayos titingnan ang hardin nang ma cutting ang mga mayayabong na halaman at ang linis-linis na titingnan. Nakipaglaro saglit si Sarah sa kanyang mga pamangkin. Naawa tuloy siya sa kanyang lalaking pamangkin, paano nalang kung malalaman ni Darius na di niya pala ito tunay na anak? Sana ay hindi nalang malalaman nito ang totoo at huwag nalang sanang magpapakita pa ang nagngangalang Ryan na dating guard ng mansion. Ano kaya ang nasa isipan ng ate niya noon? bakit nagawa pa nitong lokohin si Darius na bukod sa mabait, mayaman at sobrang guwapo naman ng Asawa nito? Pati tuloy siya ay nadamay ngayon sa nangyari at sa ginawa ng ate niya. Kung alam lang niya

