Hindi naman siya mapakali at napalakad-lakad. Iniisip niya kung anong susunod na gagawin kapag ito'y papasok na at siya'y makita nito. Di paman ay napuno na ng kaba ang kanyang dibdib. Grabe na talaga itong naiisip niyang paraan upang muling mag-init sa kanya si Darius at muli siya nitong mamahalin. Di naman siya nagkamali, nakita niyang pumihit na ang door knob ng pinto ng kuwarto nito. Inatake siya ng kaba at huminga ng malalim. Pagpasok nga nito ay nagulat ito nang siya agad ang nakita nito! "Anong ginawa mo dito!? why are you in my room!?" Nanlaki ang mga matang tanong sa kanya ni Darius at kitang-kita ang galit nito sa hitsura nang makita siya nitong nasa loob siya ng kuwarto nito. "D-Darius.." Aniyang lumapit dito at niyakap niya ito ng mahigpit. " I miss you, I love you so mu

