Mga tatlong araw lang sina Darius sa Spain at umuwi na agad ang mga ito. Wala naman si Sarah nang dumating na ang mga amo sa mansion. Nagpaalam si Sarah kay Nanay Perla na umuwi saglit ng Meycawayan Bulacan, Ang lupang kanyang sinilangan, upang dalawin ang puntod ng mga magulang niya. At gusto rin kasi niyang maaliw ang sarili. Mga dalawang taon ng hindi si Sarah nakadalaw sa puntod ng mga magulang. Huling dalaw ay sila pa ang magkasama ng ate niya. Pero ngayon ay siya nalang talaga ang nag-iisang dumalaw. Pero okay na, matagal na siyang naka move-on sa pagkawala ng mga magulang niya at ngayon ay naka move-on na rin siya sa pagkawala ng ate niya. At ngayon naman ay magmo-move-on na naman siya sa pagkawala sa buhay niya ng Isang taong minamahal, at iyon ay si Darius. Mabuti nalang sinamah

