SA LIWANAG na inilalabas ng kaniyang dibdib naitaboy niyon ang mga pumapalahaw na kaluluwang nakapaligid sa kanila. Nagkatinginan na lamang sila ni Agat sa nangyayari na kapwang napuno ng pagtataka ang kanilang mga mata. "Paano mo nagagawa ito?" ang naitanong ng binatang prinsipe sa nararamdaman nitogn hiwaga. Sinalubong niya ang nagtatanong ng mata ni Agat. "Hindi ko rin alam," ang tugon niya naman dito. Nabaling na lamang nila ang kanilang mga tingin sa gawing likuran ng binatang prinsipe nang marinig nilang magsalita ang dalagang si Mada. "Narito na kayo," ang nasabi ni Mada. "Mabuti naman nasundan niyo ang tubig na iniwan ko. Hindi lang maganda na pati kayo ay nakulong dito." Lumingon nga sila sa pinagmumula ng tinig kaya sumalubong sa kanila ang papalapit na si Mada na lumulutan

