SINUNOD ng binatang prinsipe ang sinabi ng babaylan, lumipad nga ito palayo sa kanilang kaaway. Naibalik lamang nila ang tingin sa alatar nang magliparan ang mga tibag ng batong tumabon doon. Mula isa ilalim ng mga bato'y lumitaw ang malaking kamay na sinundan ng ulo't katawan nito hanggang sa makatayo si Sinugyaw na naging higante. Nanlaki na lamang ang kaniyang mga mata sa pagtitig niya rito dahil hindi niya inasahan ang bagay na iyon. Napasigaw siya nang tapakan nito ang babaylan at si Kalsag na ikinamatay nga ng mga ito. Sinundan iyon kaagad ng pag-abot ng higante sa kanila. Sa pagkagulat ng binatang prinsipe sa nangyayari'y hindi ito kaagad nakaiwas. Kung kaya nga nahawakan sila ni Sinugyaw. Humigpit ang kapit nito sa kanila nang ilapit sila nito't pinagmasdan sila nito nang masama. T

