NAGDADALA ng mabigat na pakiramdam ang pinasok nilang kakahuyan. Sa kadilimang dala ng kalangitan hindi na nga naging maliwanag sa loob niyon. Mistulang patay ang mga puno kulay na berdeng nangingitim. Walang ano mang maririnig na huni ng ibon o kulisap sa paligid. Tanging ang kanilang paghakbang ang bumubasag sa katahimikang nakabalot doon. Umaalingawngaw nang bahagya ang pagkabali ng mga tuyong sangang kanilang natatapakan. Sa hindi nila paghinto'y nakarating na nga sila sa katapusan niyon. Hindi sila tumuloy matapos makarinig ng sabay-sabasy na pagdarasal na nagmumula sa katapusan lamang ng kakahuyan. Kung kaya nga'y napayuko na lamang ang lahat sa likuran ng mga halaman upang masilip kung ano ang gumagawa ng ingay. Naroon nga sa malawak na lupa ang mga taong nababalot ng puting balaba

