Kabanata 82

1577 Words

TUMAYO mula sa pagkaupo ang binatang prinsipe't tinawag nga nito ang pangalan ng agilang espiritung bantay. Sinundan iyon ng pag-alis ng espiritung bantay sa katawan nito't lumipad patungo paitaas. Pagkarating sa kanilang ibabaw nabuo ang katawan nito bilang isang malaking agila. Pinagapas kaagad ni Nori ang dalawang pakpak na siyang gumulo sa tubig na nakapaligid sa kanilang kinasasakyang bangka. Sa pagbaba nito nang bahagya'y umakyat na rito ang binatang prinsipe kasunod ng babaylan at ni Kalsag. Siya ang pinakahuling umalis ng bangka't sumakay sa likuran ng espiritung bantay. "Ilabas mo na ang bolang tubig," ang nasabi sa kaniya ni Agat kahit hindi pa man siya nakakaupo. Pumuwesto nang maigi ang tatlo sa likuran ng agila samantalang siya'y nanatiling nakatayo. Sa narinig niya mula sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD