Bago pa man makalapit nang tuluyan sa kanila ang mabangis na tigre, hinila niya ang binatang prinsipe na si Agat sa likuran ng suot nito palayo sa puting tigre. Sa ginawa niyang iyon napaatras na lamang ng hakbang si Agat. Hindi sila nasaktan ng tigre nang lumapag ito sa lupa kasunod kaagad ng muli nitong pagsugod sa kanila. Sa pagkakataong iyon siya naman ang humarang sa harapan ng binatang prinsipe. Inilagay niya ang kaniyang kamay sa unahan na siya nagpatigil sa tigre. Umungol nang malalim ang mabangis na hayop sa pagtitig nito nang masama sa kanila. Sinalubong niya ang mga mata upang makipag-usap dito sa pamamgagitan nang tigin. Sa puntong iyon hindi na rin tinuloy ng tigre ang pag-atake. Tumaikod na lamang ito sa kanila't tumakbo na lamang ito palayo kung kaya hinatid na lamang nila i

