Kabanata 60

2032 Words

NAKARATING sila sa baryo sa paanan ng bundok na walang nangyayari sa kanila na masama. Kahit na mataas pa ang araw nang mga sandaling iyon tahimik pa rin ang paligid doon. Malinaw na maririnig ang pag-ugong ng hangin na nagmumula sa kabundukan. Walang makikitang mga taong sa labas kaya mistulang abandunado na ang lugar na iyon. Magkakasingtulad ang mga bahay sa baryo na iyon na gawa sa kahoy at pawid. Sinalubong sila ni Kalsag sa bukanan sa b****a. Hawak nito sa isang kamay ang tubo na pinapangas nito. Hindi niya naiwasang pagmasdan ang kabundukan dahil sa kung anong mabigat na pakiramdam na tinataglay ng kakahuyan. Maging ang dalagang si Maday ay ganoon na rin naman ang ginagawa. "Nararamdaman mo ba?" ang naitanong pa nito sa kaniya. Pinagmasdan niya ito dahil sa naging tanong nito. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD