HIGIT niyang ramdam ang butas na gawa ng kidlat kahit hindin niya iyon pagmasdan. Nabasa ng pulang-pula niyang duto ang kaniyang suot sa hindi pagtigil nang paglabas niyon. Pinagmasdan niya na lamang si Agat na bumangon mula sa pagkabagsak nito. Ito naman ay napatitig sa butas sa kaniyang dibdib kung saan masisilip ang pagbaba ng lalaking kaaway. Matapos nitong mapagmasdan ang kaniyang kalagayan iniangat nito ang tingin patungo sa kaniyang mukha. Nagkasalubong ang kaniang mga matang dalawa. Marahil iyon na nga ang pinakahihintay niya upang makasama naniya ang mga namaalam niyang magulang. Imbis na takot ang gumuhit sa kaniyang mukha sumilay ang manipis na ngiti sa kaniyang mga labi bago siya napaluhod at tumumba. Mabilisan siyang nilapitan ng binatang prinsipe sa kaniyang pagbagsak. Sinal

