NAMAGITAN sa pagitang nilang dalawa ang katahimikan sa loob ng mahabang sandali. Walang nagsasalita sa kanino man sa kanila. Tanging pagnguya nila sa prutas na kinakain ang maririnig. Nang maalis ang kaniyang pagkailang tumayo siya mula sa kinauupuang lambat. Napapasunod na lamang sa kaniya ng tingin ang binatang prinsipe sa kaniyang paglalakad patungo sa harang sa dulo ng malaking bangka. Tumayo lamang siya roon habang nakamasid sa tubig sa ibaba. Napapabuntonghinina pa siya nang malalim dahil hindi na niya malaman kung ano ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Sa kaniyang pagtitig sa tubig napansin niyang mayroong kakaiba roon. Pakiwari niya'y mayroong sumusunod na nilalang sa bangkang kanilang kinasasakyan. HIndi nga siya nagkamali sa bagay na iyon sapagkat mayamaya't lumabas nga mul

