TINULUNGAN siya ng binatang prinsipe na makaakyat sa malaking bangka. Inilahadn ito ang kanang kamay na kaniya rin namang inabot mula sa tubig. Pagtagpo ng kanilang mga palad hinila siya nito paitaas habang itinatapak niya ang paakyat paitaas ang kaniyang mga paa sa katawan ng sasakyang pangtubig. Nagawa niya rin namang makatayo sa dulo na hindi nahuhulog pabalik sa tubig. Ngunit nang inihakbang njiya ang isa niyang paa sa harang bigla na lamang nadulas ang kaniyang isang basang paa. Mabuti na lamang nahabol siya ng binatang prinsipe na hindi pa rin pinapakawalan ang kaniyang kamay. Pumulupot ang kaliwang kamay nito sa kaniyang beywang na siyang pumigil sa kaniyang pagkakahulog. Dumikita ng katawan nilang dalawa sa isa't isa kaya wala namang magplulusutan ang hangin. Masyadong malapit ang

