NAKARATING sila sa gilid ng tirahan ng babaylan na pagod na ang kanilang mga paa. Kung kaya nga nagpahinga sila bago lumapit pumasok sa bahay para kausapin ang babaylan. Naupo siya sa malaking ugat ng isang puno habang nakatingal sa sanga nito kung saan naroon ang pugad. Maririnig mula rito ang matinis na paghuni ng bagong pisa pa lamang na mga ibon. Sa nakatumba namang kahoy naupo si Kalsag na pinupunasan ng tela ang hawak nitong espada. Nanatili namang nakatayo ang nakatatanda sa kanila na si Mitos at ang babaylan habang tahimik na nag-uusap. Hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng mga ito sa layo niya sa mga ito. Naalis lamang ang kaniyang tingin sa pugad nang iabot ng binatang prinsipe sa kaniya ang sisidlan ng tubig na gawa sa balat ng hayop. Pinagmasdan niya ang sisidlan bago inilip

