MAHAHABA ang bahagi ng katawan ng nilalang na purong kalansay mula ulo hanggang paa. Bumuka nang malaki ang tadyang nito na siyang kumulong sa lalaki bago ito hinila papasok sa likuran ng mga puno't halaman. Nabitiwan na lamang ni Kalsag ang hawak nitong espada kasabay ng pagsigaw nito. Sa nangyari'y kapwa napatakbo na lamang sila ng babaylan para mahabol ang nilalang na kumuha kay Kalsag. Pinasok nila ang pinagtaguan nitong makakapal na mababang puno't halaman. Sa simula'y nakasunod pa sila dahil sa paggalaw ng mga dahong nadaanan nang nilalang. Ngunit katagalan ay wala na silang makitang paggalaw ng mga dahon na siyang pagtuturo sa kanila kung saang direksiyong nagtungo ang nilalang dala si Kalsag. Napatigil na lamang silang dalawa ng babaylan sa pagtakbo sa bakanteng lupa na nababalot n

