TINAPIK ng babaylang ang kaibigan nitong si Kalsag sa pisngi para ito ay magising. Iminulat din naman ng lalaki ang mga mata't mabilisan na bumangon para maghanda sa pagsugod ng kaaway na wala na. Napatitig na lamang ito sa kanila ng dalaga nang mapagtanto nitong wala na nga ang nilalang. "Ano ang nangyari?" ang naitanong ni Kalsag. Sinapo nito ang ulo sa pananakit niyon. Iniabot ng babaylan ang espada sa kaibigan nito. "Nawalan ka nang malay-tao nang makuha ka nang nilalang. Huwag mo nang alalahin kasi wala na rin. Napatigil na ni Limong. Bumalik na tayo sa ibang kasama natin," pagbibigay alam natin. "Baka ano ang nangyari sa kanila." Tinanggap ni Kalsag ang espada't ibinalik nito iyon sa kaluban. Nakuha niya pang ilahad ang kaniyang kamay para tulungan sa pagbangon ang lalaki. Hindi r

