Kabanata 79

1573 Words

NANIGAS na lamang siya sa kaniyang kinatatauuan sa nalamang katotohan tungkol sa mandirigmang si Mitos. Hindi niya lubos akalain na isa itong mapanlinlang na masamang tao. Sapagkat mabuti ang pagkakilala niya rito na tanging alam lamang ay tumulong sa iba. Ngunit dahil sa nangyari mukhang nagkakamali siya nang tingin dito. Gayunman nagdadalawang-isip pa rin naman siyang maniwala na kampon ito ng kadiliman. Sinasabi niya sa kaniyang sarili na mayroong lamang itong dahilan kaya nagawa nitong sila ay linlangin. Hindi rin malayong mayroon itong rason kung bakit sumali ito sa kasamaan. Kung totoo nga ang lahat nagpanggap din itong nasaktan nang gabing minsan silang sinugod ng kaaway. Para malaman niya kung hindi siya nagkakamali sa mga naiisip kailangan niya itong makausap nang harap-harapan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD