LAKING gulat na lamang nila nang makabalik sila ng baybayan sapagkat walang nakadaong na malaking bangka na sinakyan nila patungo isla na iyon. Bumabaon ang kanilkang mga paa sa pagmamadali nilang maglakad sa buhangin. Naitanong niya sa kaniyang sarili kung kasama ba sa pag-alis ng mandirigmang si Mitos ang diwatang si Mada at ang matandang alalay ni Agat na si Episo. Sa paglapit nila sa tubig ay nasapo na lamang niya ang kaniyang noo't napaupo sa buhangin dulot ng pagkadismaya. "Ano na ang gagawin natin ngayon? Wala na tayong masasakyan," ang naisatinig ni Kalsag na nakatayo sa tabi ng babaylan na malalim pag-iisp. "Wala rin tayong ideya kung saan nagtungo ang mga kaaway." Sa nasabi ng lalaki'y nabaling ng binatang prinsipe ang atensiyon sa kaniya. "Puwede namang kumuha ng bangka sa da

