Kabanata 52

2060 Words

NAPAPATITIG na lamang siya sa mga babaeng na makukulay ang suot sa aliwang pinuntahan niya kasama si Mitos, Kalsag at Malaya. Nakaguhit sa mukha ng mga bawat babae ang matamis na ngiti na siyang pang-akit ng mga ito sa mga lalaking parokyano. Karamihan sa mga parokyanong naroon ay halos lango na sa alak sa paglalim ng gabi. Nanatili lamang siyang nakatayo sa portiko ng gusali dahil hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya. Sapagkat sa kinikilos ng mga taong naroon walang pakialam ang mga ito sa nangyayaring kaguluhan sa mundong ibabaw. Binaling niya ang kaniyang tingin mula sa mga babae nang magsalita ang ginoo. "Tulungan mo kaming hanapin si Agat. Mas madali natin siyang makikita kung maghihiwalay-hiwalay tayo," paliwanag ng ginoo. Nakinig lang din dito ang babaylan at ang kasama nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD