Kabanata 51

2031 Words

MALINAW na maririnig ang pag-ihip mula sa silangan na siya ring dumadampi sa kanilang mga mukha kaya ramdam nila ang dala niyong kaginhawahan. Sinabayan ito ng paggalaw ng mga halaman sa paligid na para bang nakikipagsayaw. Hindi rin nawawala ang huni ng mga ibon. Mistulang payapa ang mundo nang mga sandaling iyon na para bang walang kaguluhang nangyayari. Naisipang kumain ng mandirigmang si Mitos sa inilagay nitong papag sa labas na naliliman ng mayabong na puno. Inabala ng dalagang si Mada ang paghahanda sa kanilang mga kakainin habang ang mandirigma'y nililinis nito ang espada. Samantalang siya'y nakaupo lang nang nakatalikod sa mga ito na nakapikit ang mga mata. Sa gilid siya ng papag nakaupo kaya nakatapak ang kaniyang mga paa sa lupa. Nilalasap niya ang dampi ng sariwng hangin sa k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD