SA PUNTONG iyon nagkaroon na nga talaga siya ng galit para sa mandirigma. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon para mayroong masabi rito dahil sa sumunod na sinabi ni Sungkayaw. "Masyado tayong tumatagal dito," ang naisatingi ni Sungkayaw. "Panahon na para kayong magpaalam. Huwag kayong mag-aalala dahil hindi masasayng ang buhay niyo. Magiging pagkain ang mga kaluluwa niyo." Napatitig na lamang silang tatlo kay Sungkayaw dahil sa lumabas sa bibig nito. Nakatayo lamang ito na masama ang tingin ng namumula nitong mga mata. Matapos nga ng sinabi nito'y mayroong kung anong maitim na usok na lumabas sa liko nito. Mula sa pagiging manipis ay kumapal nang kumakapal ang utsok na lumulutang paitaas ng kalangitan. Sa paglipas ng mga sandali'y nagkakaroon ng hugis ang usok. Nanglalki na lamang ang m

