HINDI na nasunda pa ang pag-uusap nila sa pagbabago ni Kalunglaon ng anyo. Ang laki ng katawan nito'y mistulang nalusaw at naging usok na lamang kapagkuwan ay bumulusok ito paibaba sa kinatatayuan niya. Napasigaw na lamang siya nang maramdaman niya ang pagpasok nito sa kaniyang katawan. Nararamdaman niya ang bigat na dulot niyon na siyang pumigil sa kaniya para makagalaw. Naiiba ang pag-angkin nito sa kaniya malayo sa ginawa ni Sungkayaw. Tumagal ang pagsanib nito sa kaniya kaya lalo niyang naramdaman ang ibayong sakit habang pumapaikot sa kaniya ang usok. Natigil lamang ang kaniyang paghihirap nang bigla na lamang itong umais sa kaniyang katawan at nagpalutang-lutang sa kaniyang harapan. Napaluhod na lamang siya ng kaniyang isang paa habang hinahabol ang kaniyang hininga. "Nakapagtataka,

