LALONG gumulo ang kalangitan dahil sa pagbalik ng bakunawa na siyang nagpahina sa liwanag na pinapakawalan ng perlas. Nagdagdagan ang pagkidlat na umaabot na sa lupa ng isla. Pati ang hangin ay hindi na napirmi sa pag-ihip nang malakas niyon. Matapos ngang makarating ng dambuhalang nilalang, pumaikot ito sa himpapawid sa paligid ni Kalunglaon. Umabot ang buntot ng nilalang ibabaw lamang ni Limong kaya pilit niya na lamang iminulat ang kaniyang mga mata para masaksihan ang nangyayari. Pumagitna ang ulo ang bakunawa sa katawan nito't habang paibabang lumapit patungo sa naghihintay na demonyo. Nang ilang dipa na lamang ang layo ng bibig ng bakunawa'y tumigil ito na siya ring paglutang ng perlas paalis mula sa kamay ni Kalunglaon. Sa nangyayari't nakaramdaman na lamang siya ng ibang lakas na

