LUMIPAS ang mga sandali sa pagitan nila ng binatang prinsipe na hindi nagbabago ang kanilang posisyon. Nakahawak pa rin ito sa kaniyang beywang na siyang pumigil sa kaniyang pagkatumba. Magkatagpo ang kanilang mga mata. Nagkasabay ang kanilang paghinga na para bang sila ay iisa. Nang kapwa nila napagtanto ang nangyayari lumayo sila sa isa't isa. Kapwa nila inayos ang kanilang mga sarili. "Ano bang gagawin mo? San ka pupunta't dala mo pa ang espada mo?" ang naisipan niyang itanog dito nang maalis ang nararamdan pagkailang dito. "Magsasanay," sagot din naman nito sa kaniya. Naglakad ito patungo sa likuran ng kubong tinutuluyan nila. "Kung saan pa paalis na tayo doon ka pa magsasanay." Sumunod siya rito sa paglalakad. Nilingon siya nito pagkarating nga nito sa likura ng kubog. Binunot nit

