Kabanata 54

2065 Words

SA KANILANG patuloy na paglalakad hindi niya mapigilang isipin na dapat tinulungan na lamang nila ang mandirigma sa paghabol sa lalaki. Naiintidihan niya rin naman kung bakit nito piniling bumuntot nang mag-isa sa kumuha sa mga perlas. Iyon ay dahil sa mahalaga ang buhay ng binatang si Agat bilang isa itong prinsipe. Gayunman kinakain siya ng konsensiya niya sapagkat kung sumama sila rito mataas ang posibilidad na mabawi nila ang mga perlas. Huminto na lamang siya sa paglalakad na hindi napapansin ni Agat. Nagawa lamang siya nitong lingunin sa pagsasalita niya. "Dapat ay tinulungan na lang natin ang ginoo sa paghabol sa lalaki," ang naisipan niyang sabihin para sa binatang prinsipe. Mahahalata ang pagbuntonghininga nito nang malalim. "Kung gusto mo sumunod ka roon," sabi naman nito sa ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD