"Anong gusto mong pananghalian? " Tanong ni Ej habang inaayos sa kabinet ang kanyang mga pinamili. "Ako na magluto. Kaya ko naman ipagluto ang sarili ko." Biglang sumeryoso ang kanyang mukha. May mali ba akong nasabi? Bakit parang galit siya? "Ayaw mo ba sa luto ko?" "Ha? Hindi naman. Ano kasi. Kaya ko naman." "Okay," saad niya at bumalik sa kanyang ginagawa. Naiilang ako sa subrang tahimik. Naka upo lang ako dito habang siya nag-aayos. Ayaw niyang tumulong ako kaya nakatunganga lang ako dito sa harap niya. "Masarap yong luto mo. Na ubos ko yong hinain ni Manang sa akin kaninang umaga, ikaw daw nag luto non sabi ni Manang," basag ko sa katahimikan para may pag-usapan kami.Hindi parin siya sumagot at parang walang narinig. "Ano ba sana ang lulutuin mo?" Tanong ko pa ulit. Sa punto

