Ramdam ko na natigilan siya ng hawakan ko ang kamay niya. What was that mean? Binitawan ko ang kamay niya ng dumating si Manang Sonya inalalayan niya akong umupo at pinainom sa akin ang maligamgam na tubig na dala niya. Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng mainitan ang sikmura ko. "Magluto muna ako ng pananghalian," paalam ni Ej at lumabas ng silid. "Ano ang kinain mo bakit ka nagsuka?" Tanong ni manang at pinisil-pisil ang kamay ko. "Pizza at coca-cola ho, manang," sagot ko habang nakapikit ang mata, inaantok ako. "Iwasan mo muna ang mga acidic na pagkain at inumin ha? At saka kapag nangyari ito ulit uminom ka lang ng maligamgam na tubig at magpahinga." "Salamat, Manang." Pinunasan niya ang butil ng luhang lumandas sa pisngi ko." Bakit ka umiiyak, may masakit ba sayo? " Umiling ako. "

