Chapter 6

1543 Words
Nang matapos ang school year bumalik ako sa Lamiangan kung saan kami nakatira. Kasama ko si Tita Fely. Natanggal sa trabaho si Tita at hindi niya kaya bayaran ang buwanang renta ng bahay niya kasama ang gastosin namin. Balak sana niyang ibenta ang bahay namin ngunit hindi pwede ayon sa abogado na kinausap niya. Kaya kahit labag sa loob niya ay dito kami tumira. Sinagot ko na rin si Jaxson bilang boyfriend ko. Naniwala naman ako kay Ella na wala siyang gusto kay Jaxson. Kaya lang may parte parin sa akin na nasaktan siya noong nalaman niya na ako ang nililigawan ni Jaxson. Nakita ko sa mga mata niya kahit pa sinabi niyang masaya siya para sa amin. Unang gabi sa loob ng sampong buwan, ngayon ko lang naramdaman ang kapayapaan ng dumating ako sa aming bahay. Unang gabi na hindi ako umiyak dahil sa kwarto ako nila mama natulog. Pakiramdam ko, kasama ko parin sila. Pakiramdam ko yakap ko sila. Ngunit ang lahat panandalian lamang dahil mas lalo pang naging marahas si Tita sa akin. Sa tuwing uuwi siya galing sa bayan sa akin niya binubunton ang galit at pagod na nararamdaman niya. Sa tuwing pa ubos na ang aming imbak na bigas kulang nalang lumpohin niya ako para may lumabas na bigas sa katawan ko. Ang hirap. Subra na. Pero hindi ko magawang sumagot o maglabas ng hinaing sa kanya. Iniintindi ko na lang kasi baka nga pagod na siyang pasanin ako. Pagod na siyang mag hanap-buhay para lang may makain kami. Mabuti nalang at may nilaan na pera ang mga magulang ko sa pag-aaral ko bago sila namatay kasi kung wala, hindi ko alam kung magkapag-aral pa ba ako. Kaya kahit anong pananakit ni Tita sa akin ay iniinda ko. Kasi sa kanya ko inaasa ang araw-araw na pangkain ko. "Maki-usap ka sa abogado na ibenta mo 'yong maliit ninyo na sakahan." Natigil ako sa aking ginagawa sa sinabi ni Tita. May kalahating ektarya na lupain ang mga magulang ko sakop nitong bahay na tinitirhan namin. Sa pagkakaalam ko iisang titulo lang ito. Kapag binenta ko at pumayag ang abogado saan kami titira kung ganon? "Pero Tita, ito lang po ang iniwan sa akin nina mama." Masama siyang tumingin sa akin. "E, ano ang gusto mo? Ang mamatay sa pagod ang katawan ko sa paghahanap ng trabaho para lang may ipakain ako sayo?!" singhal nito. " H-hindi h-ho sa g-ganon, T-tita. Kasi baka p-pati itong b-bahay kunin sa atin. Isa lang ang titulo nitong lupa, Tita. " " Maki-usap ka sa abogado kung ano dapat gawin. Pagod na ako kakahanap ng pera may madaling sulosyon naman. Yung walang kwenta mong nanay, namatay na nga may responsibilad pang iniwan sa akin. Ano ipakain ko sayo? Wala namang pera na iniwan 'yon para sa ilang taon na ipakain ko sayo!" Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ko ng talikuran ako ni Tita. Tama naman siya. Bukod sa lupaing pamana at fully paid na bayarin sa koleheyo ay wala ng ibang iniwan na pera ang mga magulang ko. Ang hindi ko lang matanggap ay tawagin niyang walang kwenta si mama. Magkapatid sila. Ate niya si mama. Pero kung pangalanan niya ito tila ba isang masamang tao si mama na may napakalaking atraso sa kanya. Kaunting intindi pa, Janice pasaan ba't matapos rin ang lahat. "Tita, maghahanap po ako ng trabaho sa bayan. Kahit part time lang." "Maghahanap ka ng trabaho?" Hindi makapaniwala na tanong niya. Binato niya sa akin ang baso na hawak niya ng tumango ako. "Hindi ka nga magkanda-uga dito sa gawaing bahay tapos maghahanap ka ng trabaho? Paano kung magkasakit ka? Palamunin ka na nga mag dagdag ka pa ng bagong alalahanin! " Gusto ko siyang sagutin. Mas gusto ko pang magkasakit sa pagtrabaho kaysa masaktan sa mga kamay niya mismo. Kaya gusto kong magtrabaho para kahit papano ay makatulong ako sa kanya pero naging masama pa. Hindi na ako nagpumilit na maghanap ng trabaho. Hindi rin naman ako papayagan. Nagpasalamat ako at balik-eskwela na. Kahit papano makapag-pahinga ako sa pagmamalupit ni Tita. Hindi natuloy ang pag benta ng lupain namin ngunit naka sangla. Mabuti na 'yon, darating ang araw mababawi ko rin iyon. "Ayoko pa umuwi. Kung pwede na nga lang na hindi umuwi ginawa ko na." Sinabi ko kay Jaxson ang nangyayari sa akin sa poder ni Tita. Gusto niyang ilayo ako doon pero wala rin siyang magawa dahil umaasa rin siya sa mga magulang niya. Awang-awa siya sa akin pero wala siyang magawa kundi ang damayan ako at manatili sa tabi ko. "Anniversary na natin sa makalawa. Saan mo gusto mag celebrate?" Tanong niya. Nandito kami naka upo sa lilim ng punong akasya sa loob ng campus. Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang, sunod siya ng sunod sa akin. Parang kahapon lang, na umamin siya na gusto niya ako. At sa makalawa mag-celebrate na kami ng anniversary. Ang bilis lumipas ng araw. Isang taon ko na ulit nalagpasan ang lahat ng hirap sa mapagmalupet kong Tita. Isang taon na lang, makalaya na ako. Isang taon na lang, Ma, Pa, matupad ko na ang pangarap ko sa inyo. "Kahit saan, basta kasama kita. Gagawa ako ng paraan para magpaalam kay Tita. Friday naman 'yon." Tulad ng sinabi ko, kahit natatakot sa maaring gawin ni Tita ay naglakas loob akong nagpaalam sa kanya. "Tita, magpapaalam sana ako," naka kunot ang kanyang noo na bumaling sa akin. Nanginginig ang kamay ko ngunit kailangan kong subukan. "May group project ho kasi kami ngayon at baka gabihin ako, p-pwede ho ba na doon a-ako m-matulog sa b-bahay ng kaklase ko?" "Kung para sa pag-aaral mo, Janice. Huwag ka lang umuwi dito na may masamang nangyari sayo. Dahil hindi kita tatanggapin. " " Promise po, Tita. Uuwi ho agad ako bukas. " Kahit hindi direkta na sinabi ni Tita na mag-ingat ako, masaya ako kasi sa kabila ng mga ginawa niya sa akin ay nag-alala pala siya na baka may mangyari na masama sa akin. Hindi tuloy mawala ang ngiti sa labi ko hanggang makarating sa University. Hindi ko alam kung saan o anong plano ni Jaxson ngayon, basta sapat na sa akin na magkasama kaming dalawa sa araw ng anniversary namin. Wala akong cellphone kaya ng matapos ang klase ko ay hinintay ko siya sa tapat ng gate. "Besty!" Yumakap ako kay Ella ng makalapit siya sa akin. Na miss ko siya. Na miss ko na ang bonding namin dalawa ngunit pareho kaming busy kaya bihira nalang kami mag kita. "Hi babe. Kanina ka pa?" Tanong ni Jaxson ng makalapit siya sa amin ni Ella at humalik sa noo ko. "Hindi naman," bumaling ako kay Ella. "Best, una na kami. Anniversary kasi namin ngayon." Ngumiti siya at pinisil ang pisngi ko. " Dalaga na talaga ang best friend ko. Congrats. Happy anniversary sa inyong dalawa." "Thank you, best." Nagpaalam siya sa amin ng tawagin siya ni Maris at Sandra mga kaklase niya. "Happy anniversary," Jaxson greeted me. "Happy anniversary din," kumapit ako sa kanyang braso at sabay na naglakad papuntang sakayan. "Akalain mo 'yon, isang taon mo na akong tinitiis." "Mahal kita, e." Tumawa lang ako dahil kinikilig ako. Sumakay kami sa jeep papunta sa village kung saan kami nakatira dati. Na miss niya raw tumambay sa tulay. Bumili muna kami ng pagkain sa convenience store at naglakad patungo sa tulay. "Dumadaan ka parin ba dito kahit wala na ako?" I asked him. Naglatag siya ng papel bago ako pina-upo. "Oo. Minsan lang. Tuwing weekend. Na mi-miss kita e." " Hindi pala ako uuwi ngayon sa bahay." " Ha? Bakit? Saan ka kung hindi ka pala uuwi?" nagtataka na tanong niya, magkasalubong pa ang kilay. "May murang lodging house doon sa kabilang kanto doon nalang ako magpalipas ng gabi. Nagpaalam na ako kay Tita, pumayag siya. " " Gusto mo samahan kita? Promise, hanggang sa makatulog ka lang. " Tumango ako bilang pagsang-ayon. Tumambay muna kami at nagkwentuhan dito sa tulay, nang lumalim na ang gabi nagpasyahan naming tumuloy na sa lodging house. Ngunit ang kanyang pangako na samahan lang ako hanggang sa makatulog ay hindi natupad. Sa malamig at tahimik na gabi, sumiklab ang init ng aming nararamdaman. Sa isang maling galaw humatong kami sa ibabaw ng kama, parehong walang saplot at pinapaligaya ang isa't isa. Alam kong mali. Alam ko hindi tama ngunit hindi namin napigilan ang bugso ng init ng katawan. "Papakasalan kita. Hindi kita iiwan. Pangako... I love you." sambit nito sa malalin na bawat paghinga. " I love you. Happy anniversary. " Wala akong regalo na maibigay sa kanya. Kaya iyon nalang ang regalong binigay ko, pwede na siguro iyon. Mama, patawad. Hindi na ako berhin. Hubo't-hubad, yakap ang isa't isa, mahimbing kaming natulog dalawa. Hindi na ako makapaghintay na maging misis niya. Tanghali na kami nagising kaya ganon nalang ang kaba at taranta ko dahil baka kanina pa hinihintay ni tita ang pag-uwi ko. Hinatid ako si Jaxson sa sakayan. Nang makarating ako sa kanto, kahit masakit at mahapdi ang pagitan ng dalawang hita ko, tumakbo ako nang makarating agad sa bahay. Hinihingal na binuksan ko ang gate na gawa sa kawayan at pumasok sa loob ng bahay, nakahinga ako ng maluwag ng madatnang wala si tita. "Mabuti nalang umalis si Tita. Kundi lagot ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD