Chapter 7

1472 Words
Naging magkaibigan din kami ni Maris at Sandra hanggang sa naging forth year college na kami. Minsan sumasama din si Jaxson sa amin tuwing tanghalian at hinahatid ako pauwi sa Lamiangan. Naging matatag pa ang relasyon namin. Naging solid pa ang friendship namin ni Ella kasama sina Maris at Sandra. Subalit, naging malala ang galit at pananakit sa akin ni Tita. Minsan, naisip ko na magsumbong sa barangay pero mabigat sa loob ko. Hindi makatarungan ang ginagawa ni Tita sa akin pero ang bigat sa loob na magsumbong sa kinaukulan. Paano kung makulong siya? Lalo lang siya magalit sa aking pamilya. Kaunting tiis nalang naman at makalaya na ako. Kaya ko pa. Isang bagay ang tumama sa noo ko pagkapasok ko ng bahay. Nang kapain ko namutla ako ng makita ang dugo sa kamay ko. Ngayon ko lang napagtanto, babasagin na flower vase pala ang itinapon ni Tita sa akin. "Ibalik mo ang pera ko!" Halos ma bingi ako sa lakas ng sigaw niya. "Pinakain kita! Nagawa mo pa akong nakawan! Kahit sabihin mong pera iyon galing sa sinangla mong lupain niyo hindi parin magbabago na ninakawan mo ako! Ibalik mo ang pera ko!" Kahit nahihilo ay tumayo ako ng maayos. "Tita hindi ko ho kayo ninakawan. Promise po," pigil ang luha na saad ko. "Kung hindi mo ako ninakawan saan galing yang cellphone mo? Ha?! Wala kang pera para ibili yan!" "Pinahiram lang sakin ni Ja-, ni Ella ho. Kay Ella 'to, Tita. Wala ho akong ninakaw sa inyo," nahihirapan na saad ko dahil sa pagkirot ng noo ko. Muntik pa akong mabuking. "Ibalik mo ang pera ko!" Huling saad niya bago lumabas ng bahay. Kahit nahihilo ay sinikap kong pumunta sa kusina upang kumuha ng yelo panlapat sa noo ko. Ang cellphone na tinutukoy ni Tita, bigay ito sa akin ni Jaxson para may komunikasyon kaming dalawa. Hindi ko ugaling magnakaw. At wala akong alam sa pera niyang nawawala. Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto ko at hinayaang magbagsakan ang mga luha ko. Pagod na pagod na ako. Kailan pa ba ito matatapos? Kailan ko pa ito kakayanin? Ma, Pa, hindi ko na kaya. Paano ba ako makabawi kay Tita sa kasalanang ginawa ninyo? Gusto ko siyang taningin ngunit natatakot ako. Naduduwag ako. Gusto kong malaman ang lahat nang matapos na itong paghihirap ko. Kasi hindi ko na kaya. Bigyan niyo naman ako ng kasagutan, Ma. Dala ng hilo at pagod sa pag-iyak ay nakatulog ako. Natulog ng hindi kumain at gigising ng walang kain. Hindi ko alam kung nakauwi ba si Tita kagabi kasi wala siya ngayon at ipinagpasalamat ko iyon. Ginawa ko ang gawain ko bago pumasok sa eskwela. Sa tatlong taon ko sa poder ni Tita, ganon lagi ang sitwasyon ko. At sa wakas isang linggo nalang matatapos na ang kalbaryo ng buhay ko. Makaka-alis na ako sa kanya. Makalaya na ako. Wala man akong nakuha na kasagutan sa mga tanong ko kung bakit ganon si Tita sa akin at kung bakit galit siya kay mama, siguro sapat na ang tatlong taon na paghihirap ko sa kamay niya. "Guy's mag-picnic tayo sa batis ngayong sabado," mungkahi ni Ella. " Advance celebration narin sa nalalapit na graduation. " " Ay! Gusto iyan," pag sang-ayon ni Maris. "Pwede ba magdala nang boylet?" singit ni Sandra sabay hagikhik. " Pwede rin. Mas marami mas masaya diba, Janice?" tinaasan pa ako ng kilay ni Ella. "Ayos lang. Kasama ko naman jowa ko," nag singhapan sila sa sagot ko. Nandito kami ngayon sa tree hause, as usual dahil lunch break. At nagkayayaan na maligo sa batis. Lagi naman kami nag-ba-bonding apat, kaya lang ito ang unang beses na may kasama kaming iba. Wala kasing mga boyfriend. Ewan ko ba doon sa tatlo kung bakit hanggang ngayon fling lang ang gusto, ayaw mag seryoso kahit nakikita ko naman na seryoso iyong manliligaw nila. Napaka swerte ko sa kanilang tatlo. Hindi lang ako nagkaroon ng kaibagan, ng best friend, kundi nagkaroon pa ako ng mga kapatid .Sila ang kaibigan na maaasahan sa lahat, kaibigan na masasandalan at kaibigan na matatakbuhan sa oras ng pangangailangan. Hindi ko alam kung ano ang maging takbo nang buhay ko kapag nawala sila sa akin. Malaki ang parte nila sa buhay ko lalong-lalo na si Ella. "Doon tayo banda sa lupain nila Jaxson. Para pwede tayo mag over night. Paalam tayo sa jowa mo, te," sabi ni Sandra. "Sige. Sasabihan ko siya. Sana pumayag." Mayaman ang pamilya ni Jaxson. Isang konsehal ang kanyang ama at marami rin silang negosyo. Nang malaman ko iyon nanliit ako sa sarili ko. Mayaman siya mahirap ako. Baka ano ang isipin ng pamilya niya kapag nalaman nila na isang tulad ko ang girlfriend ng anak nila. "Papayag 'yon, kasama naman siya. Parang buntot mo na iyon, e," si Ella. " Ang swerte ko talaga sa inyong apat. Gusto ko talaga iyang mga suggestion niyo, may alak din ha?" ngiting panalo na asik ni Maris. Sa aming apat si Maris ang mahilig sa galaan lalo na kapag gabi. Masagana kasi ang pamumuhay kaya clubing ang hobby. Kaya magkasundo sila ni Sandra dahil pareho sila ng gusto. Pagkatapos naming mag-usap apat ay tinext ko si Jaxson tungkol sa pinag-usapan namin. Pumayag siya at sabi ipakilala niya raw ako sa parents niya. Kinabahan ako. Paano kung hindi nila ako gusto. Sabi niya, siya na rin daw ang bahala mag dala ng boys sa nais ni Sandra. Dumating ang sabado. Kbado ako dahil baka hindi ako payagan ni Tita, mabuti nalang at effective ang rason ko na may importante akong asikasuhin sa school. Tatlong piraso na damit na pamalit ang dala ko. Alas tres nang hapon ang usapan namin na tutungo sa batis, kaya lang napa-aga ang punta namin dahil nandoon raw ang pamilya ni Jaxson sa farm nila at nangako siyang ipakilala ako sa mga magulang niya. Nanginginig ang kamay ko na hawak ni Jaxson papasok sa kanilang bahay. Hindi sumama ang tatlo dahil nahihiya sila kaya kami lang dalawa ni Jaxson ang pumasok. Saglit lang naman kami kaya hindi ko na sila pinilit. "Babe-," Hinalikan niya ang noo ko, hindi niya hinayaang makapagsalita ako. "I love you. Huwag kang mag-alala. Ipakilala lang kita tapos aalis din tayo agad." Tumango ako at sumunod sa kanya pumasok sa loob ng bahay. Natigilan ang lahat ng naroon sa sala ng makita kami. Ang kanyang ama ay naka-upo at sa tabi nito ang asawa habang masayang nakikipag-usap sa isang.. maganda at mukhang modelo na babae. "Mom, Dad. Si Janice ho, girlfriend ko," saad ni Jaxson na nagpa-arko sa kilay ng kanyang ina. Ang kanyang ama ay walang reaksyon at seryoso lang itong nakatingin sa akin. Ang babae naman ay napakurap pa, nagulat sa narinig. Ang kanyang ina ay hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa at kita ko sa kanyang mukha ang pagka dis-gusto. Napalunok ako. Dinadaga ang puso ko sa klase ng tingin nila sa akin. "Wow," hindi makapaniwala na sambit ng ginang. "Nandito ang maging fiance mo tapos ipakilala mo sa amin ang girlfriend mo?" "I'm sorry, mom, " binitawan niya ang kamay ko at nagtungo sa ina, humalik ito sa pisngi pagbigay galang. "Gusto ko sana mag tagal pero may lakad ho kasi kami ng girlfriend ko. Next time nalang mom, dad. "Saad nito." Alis na ho kami. Sorry, ma. Love you, " agarang sabi niya at hinila ako palabas ng bahay. " Babe," panimula niya nang mapansin ang pananahimik ko. "Sorry, hindi man lang kita na ipakilala sa kanila ng maayos. Ayo-, " "Naintindihan ko," mahinang saad ko, halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinatakan ng halik ang aking labi. "Sorry. Wrong timing. Hindi ko naman alam na nandoon si Aleiya. " " Fiance mo? 'Yun kasi ang sabi ng mama mo." Suminghap siya. "Nangako ako sayo na ikaw ang papakasalan ko. Sa iyo ako bubuo ng pamilya. Hindi ko hahayaan na hindi iyon matupad. At hindi ko siya fiance. Ikaw lang ang gusto ko maging fiance. " Ngumiti ako at yumakap sa kanya. "Alam ko hindi ako gusto na magulang mo. Hayaan mo, gagawin ko ang lahat maging karapat-dapat ako sayo. " Gumanti siya ng yakap sa akin at hinalikan ang noo ko. "Mahal na mahal kita. " " Porn! " " SPG! " " R-18! " Naitulak ko si Jaxson sa gulat ng akma niya akong halikan ng may sumigaw sa likuran namin. " Mga pinsan ko, babe." ani Jaxson at umakbay sa akin at hinarap ang mga pinsan. Nahihiya na ngumiti ako sa kanilang tatlo. " Janice," pakilala ko sa sarili. " Axcel." " Prix." " Bray." Pakilala nilang tatlo. May dala silang pagkain at inomin. May tent na rin. Nang makalabas kami , ang tatlo kong kaibigan naging dalagang pilipina na maharot bigla. Ang pabebe, may pa hiya-hiya pang nalalaman. Natawa ako sa inasta nilang tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD