Galing Maynila ang mga pinsan ni Jaxson. Kakarating lang daw nila kahapon ayon kay Bray. Sakto ang dating nila dahil baka hindi ma tuloy itong balak namin kung ibang lalaki ang isasama nang mga kaibigan ko. Isa sa mga rason kong bakit minahal ko si Jaxson, dahil kaibigan rin ang turing niya sa mga kaibigan ko.
"Jaxson, bakit hindi mo sinabi na may mga pinsan ka pala at nagtatago sa siyudad?" namamaktol na saad ni Maris ng makita ang mag pinsan.
" Kaya nga. Edi sana matagal na namin itong hinunting," naka-ngusong sigunda naman ni Sandra.
"Ayos lang sa akin Jaxson, ang mahalaga nandito na pinsan mo. May gagayumahin na ako, "desperadang sagot naman ni Ella.
" Panginoon, tulungan niyo po ako na bumalik sa tamang pag-iisip ang mga kaibigan ko," umiiyak kunwari na dasal ko.
Nahihiya na ngumiti si Sandra sa mag pinsan, "Nagbibiro lang kami boys. Baka magsi-uwian kayo. Pero pwede rin naman totohanin, " pabebe na dugtong niya.
" Oo nga naman pinsan. Bakit hindi mo sinabi sa kanila," nagtatampo kunyari na sagot ni Axcel, ang ka partner ni Sandra.
"Ang damot mo pinsan. Bakit hindi mo sinabi na may mga magandang kaibigan pala ang girlfriend mo," sigunda ni Bray na ka partner naman ni Maris.
"Mga single din kami pinsan na naghahanap nang seseryosohin," sumabat rin si Prixcel na ka partner ni Ella.
" Mga gago! Kaya nga hindi ko sila pinakilala sa inyo dahil napa chik boy niyo. Sos! Hoy! Kayong tatlo," tukoy niya sa mga kaibigan ko." Huwag kayo magpapadala sa matamis na salita nitong mga pinsan ko. Binabalaan ko na kayo," sagot ni Jaxson at inambahan nang batok ang mga pinsan siya.
Nagkasagutan pa silang magpinsan. Habang ang tatlo kong kaibagan hindi napigilan ang pagkiringking sa mga ka partner nila. May kalayuan ang batis, kaya dadaan nalang kami sa maisan na pagmamay-ari ng mga Montefalco. Sabi ni Jaxson dito raw ang short cut patungo sa batis. Panay parin ang agruminto nila hanggang sa makarating kami sa batis na tinutukoy ni Jaxson.
Agad silang naligo pagkarating namin. Kami lang ni Jaxson ang nagpa-iwan at inihanda ang mga dala namin. Nakangiti akong pinapanood ang mga kaibigan ko habang naliligo kasama ang mag pinsan. Naghahabulan silang anim, by pair, kailangan habulin nang taya na mag pares ang dalawang mag pares na nakahawak kamay. Kapag nagkahiwalay ang kamay nilang dalawa o kaya ay maabutan sila, sila na ang susunod na taya.
"Babe, nagseselos na ako sa mga pinsan ko. Kanina kapa nakangiti diyan," naka ngusong saad ni Jaxson.
Tumawa ako, " Ang cute mo babe," umupo ako sa harapan niya at niyakap naman niya ako. "Masaya lang ako makita ang mag kaibigan ko. Nararamdaman ko na hindi na sila magiging bitter kapag magkasama tayo."
Tumawa siya sa sinabi ko. Saksi si Jaxson sa pagiging bitter nang mga kaibigan ko sa tuwing magkasama kami. Lagi silang nagpaparinig sa amin, nagdadrama, kesyo daw sa hiwalayan rin naman magtatapos. Ang mga bitter diba?
Pero sa tuwing magkatampuhan kami ni Jaxson silang tatlo pa ang hindi mapakali kapag hindi kami nagka-ayos agad. Sila ang gumagawa nang paraan para magka-ayos kami, para magka-usap kami. Kahit bitter sila sa amin, suportado naman. Noong tinanong ko sila, ang sagot, naiingit lang daw sila dahil wala pa silang nahahanap na isang katulad ni Jaxson, na almost perfect na. Siguro ngayon hindi na sila ma iingit. May natagpuan na kasi sila na higit pa sa katangian ni jaxson na gusto nila.
"Ang daya niyo, Maris, Bray. Kami lagi ang hinahabol niyo! Sina Ella at Prixcel naman," namamaktol na sabi ni Sandra ng ma abutan sila.
Parang mga bata. Hindi na nahiya, akala mo mga teenager.
"Hala! Kasalanan ba namin kong bakit ang bagal niyo tumakbo?" sagot ni Ella.
" It's okay baby. Ayos lang na mahabol nila tayo. Huwag lang hihiwalay ang mga kamay natin," sabi ni Axcel na ikinapula nang pisngi ni Sandra.
"Ang cheesy!" nakangiwi na sigaw ni Bray.
"Ang badoy mo brad!" sigunda ni Prixcel at sinabuyan pa ito ng tubig.
"Hoy! Kayong tatlo, huwag niyong daanin sa matamis na salita iyang mga girls at tatamaan kayo sa akin!" Pagbabanta ni Jaxson sa mga pinsan at dinuro pa ang mga ito.
"Halina kayo! Tama na muna iyan kakain na," pang-iba ko dahil mukhang magtatalo na naman ang mag pinsan.
Dahil medyo madilim na nag sindi kami ng kahoy na siyang silbi nang liwanag namin. Naka pormang letrang C ang pag pwesto naming anim sa pag upo. Magkatabi parin ang mga love theme, ika nga ni Maris.
"Parang ayoko na bumalik ng Maynila," ani ni Prixcel at tumigin kay Ella. "Nang hindi ka kasama."
"Ano kaba!" kinikilig na usal ni Ella at mahina siyang hinampas nito sa braso.
"Me too."
"Yeah. Ako din."
Sabay na sagot nina Bray at Axcel.
Gusto kong matawa sa reaksyon nang mga kaibigan ko. Nagpipigil silang tumili dahil sa kilig. Si Ella dinaan nalang sa pagkain ang kilig na nararamdaman. Si Sandra, may hinahanap kunyari sa bag niya, panigurado magtitili lang iyan. Si Maris, dinaan sa patikhim, akala mo may nakabarang plema sa lalamunan. Sayang at nasa bag ko ang cellphone ko gusto ko silang i-video o kuhanan man lang ng litrato para may maiasar ako sa kanila.
"Seryoso ba kayo sa mga best friend ko?" tanong ko sa magpinsan.
" I am," walang alinlangan na sagot ni Bray.
"Parang hindi e. Hindi ko nakikita or nararamdaman," sabi ko pa.
Bumuntong hininga siya at tipid na ngumiti sa akin. " Inaamin ko na isa akong playboy, Janice. But honestly, this time, seryoso ako kay Maris," senserong sagot niya sa akin at bumaling kay Maris,at nginitian ito. "Kahit ngayon ko lang siya nakita at nakasama, alam ko sa sarili ko gusto ko siya."
"Iyong puso ko best parang lalaglag," nakatanga na sambit ni Maris.
" Huwag kang mag-alala sasalohin ko. Iingatan nang hindi masaktan at masugatan," sagot ni Brex na ikinatili ni Maris.
Bumaling ako kay Axcel." Ikaw, Axcel seryoso kaba sa best friend ko?"
" Hindi ko masagot
na oo o hindi kasi ayaw kong magbitiw nang salita na aasahan ni Sandra at ma uwi lang sa wala. Aaminin ko hindi mahirap na gustuhin at mahalin si Sandra. Kaya nga nagka-gusto ako sa kanya kahit sa maikling oras lang na kasama ko siya. Pero may girlfriend ako sa Maynila kailangan ko muna i settle iyon," napa buntong-hininga siya. " Maging sapat na ba ang isasagot ko na ayaw ko siyang masaktan at sisiguraduhin ko na sa pagbalik ko dito ay hindi na ako magdalawang-isip sa isagot ko sa iyo?"
Sandra is loveable, sweet and caring. Hindi siya mahirap gustuhin, hindi siya mahirap pakisamahan. At tama si Axcel kahit sa sandali na makasama mo si Sandra magugustuhan mo siya.
Ngumiti ako kay Axcel, ramdam ko rin na sensero siya sa kanyang sinasabi. Mahirap rin naman talaga ang bumitaw nang salita lalo na kapag hindi ka sigurado sa sasabihin mo. Dahil masasaktan mo iyong tao, paaasahin mo pa.
"Ako, Janice hindi mo tatanongin?" Saad ni Prixcel sakin.
Nagtaka siguro kong bakit iyong dalawang pinsan niya lang ang tinanong ko.
"Hindi na. Alam ko naman na seryoso ka kay Ella," iyon lang ang sinabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.
Natawa ako, pag angat ko nang tingin. Nagtataka, naguguluhan ang ekspresyon nang mukha nang mag pinsan. Pati kaibigan ko, nakakunot ang noo nagtataka dahil hindi ko tinanong si Prixcel.
"Nakakatawa kayo, promise" natatawang sabi ko. "Alam ko naman na seryoso kayong tatlo. Nakikita at nararamdaman ko, kasi hindi naman maging ganito ka saya ang mga best friend ko kong pagpapanggap lang iyang pinapakita niyo. At hindi kayo mag effort ng ganito kong hindi naman kayo seryoso hindi ba? Basta ipangako niyo lang sa akin na gagawin niyo ang lahat para maging masaya ang mga best friend ko. Dahil hindi lang best friend ang turing ko sa kanila kundi bilang kapatid na din. Kapag nasaktan sila, damay ako. Kaya ipangako niyo sa akin na sana kahit anong mangyari hindi niyo sila susukuan."
" Babe, hindi pa nila girlfriend ang best friend mo," awat sa akin ni Jaxson nang maging emosyonal ako.
" Doon rin naman pupunta. Mga kaibigan ko pa ba? Diba mga best friend?" sakristong sabi ko sa kanila.
" Best, huwag mo naman kami ilaglag. "
Nagtawanan kami sa sinabi ni Maris.
Masaya na ang mga best friend ko. Hindi na sila maging bitter sa love life ko.