Masaya kaming nagku-kwentuhan habang nag-iinuman. Si Axcel ay naka-akbay kay Sandra. Si Maris na naka hiling ang ulo sa balikat ni Bray. Si Prixcel na ina-alalayan si Ella dahil nahihilo na. At ako,naka upo sa harapan ni Jaxson, naka-hiling ang ulo ko sa kanyang dibdib habang nakayakap siya sa akin.
"Kailan kaya ito magkalaman," mahinang usal niya habang hinihimas ang flat kong tiyan.
"Hoy!, Magpakasal muna tayo," natatawang sagot ko at pinatong ang palad ko sa kamay niyang nasa ibabaw nang tiyan ko.
"Papakasalan naman kita. May laman man iyan o wala."
" Alam ko, babe. Kya lang iba ang dating sa akin kapag nabuntis ako at hindi pa tayo kasal. At saka hindi pa ako maayos na nagpakilala sa mga magulang mo. Paano kung ayaw-,"
Hinalikan niya ako sa labi na nagpahinto sa sasabihin ko.
"Ang dami mong sinasabi, babe," bulong niya at dinilaan ang punong tainga ko na ikina-tindig nang balahibo ko. "Naintindihan ko naman."
"Hatid ko muna si Ella sa tent nahihilo na," paalam ni Prixcel at inilalayan na tumayo si Ella.
"Sa tent ang diritso Prixcel hindi sa kong saan," nakangising sabi ni Jaxson sa pinsan.
"Maginoo ako, pinsan," agarang sagot niya.
Natawa nalang kami ni Jaxson.
Si Axcel sinundan si Sandra sa tabing ilog dahil sumuka.
Si Brex sinamahan si Maris na umihi.
Naiwan kami ni Jaxson. Pinaglalaruan niya ang kamay ko, habang ang isang kamay niya ay naglilikot sa tiyan ko. Hinahagkan ang pisngi ko.
"Mahal na mahal kita, babe," he said."
"Mahal na mahal din kita."
Napasinghap ako nang ipasok niya ang kamay niya sa loob ng damit ko at hinimas ang tiyan ko pa akyat sa dibdib ko.
"Babe," mahinang daing ko.
Tumigil siya sa ginagawa. "Sorry."
Humarap ako sa kanya at kumalabit sa leeg niya "Bakit ka nag-so-sory?"
Tipid siyang ngumiti sa akin. "Kasi matagal ko pang ibigay ang kasal na gusto mo. Wala pa akong ipon e. "
Sinapo ko ang kanyang mukha at hinalikan sa labi. "Okay lang babe. Hindi naman ako nagmamadali. Sorry din kong hindi pa kita mabigyan ng anak ngayon."
Hinalikan niya ako sa noo. "Sa tamang panahon, babe."
May tamang oras at panahon sa lahat ng bagay. Bata pa kami. May kanya-kanya pa kaming pangarap na gustong abotin. At gusto ko kapag ikasal kami ay tanggap na ako ng magulang niya. Ayoko magsama kami sa iisang bubong at magkaroon ng anak na ayaw sa akin ng pamilya niya. Mahirap lang ako. Hindi ko sila kayang abotin ngunit sabi nga ni Jaxson "Huwag mong pilitin na abotin ako kasi ako ang kusang bababa para ma abot kita". Hindi mahalaga sa kanya ang estado ko sa buhay dahil para sa kanya sapat na ang mahal ko siya.
"Tara na sa loob ng tent. Pahinga na tayo," aya niya sa akin.
"Mauna ka iihi muna ako."
"Samahan na kita."
"Hindi na. Maliwanag naman mauna kana doon, mukhang nahihilo kana."
"Sigurado ka?"
"Oo, ayos lang. Sige na. Na iihi na talaga ako."
"Ok. Bilisan mo. Hihintayin kita doon."
Tumango ako at nanakbo sa madilim na parte para umihi. Huhubarin ko na sana ang short ko ng may marinig akong halinghing. Natigil ako ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nanakbo ako sa kabilang banda, sa maisan.
"Naghugas lang ng mukha si Sandra sumisid na agad si Axcel. Aba,magaling."
Hindi pa ako nakahawak sa short ko nang nanakbo na naman ako ulit papasok sa maisan.
"Takte ka Prixcel sabi mo sa tent ang diritso bakit sa bungad nang maisan kayo huminto?" himutok ko habang hinahawi ang mataas na mais.
"Wala naman siguro sila Maris at-"
"Bray," paungol na sambit ni Maris na ikina-mura ko.
"Ang mga hitad! Hndi man lang sa tent ginawa ang milagro. Anong silbi nang tig-iisang tent na dala namin kong hindi rin man lang pala nila gagamitin."
Lumakad pa ako nang kaunti papasok sa maisan. Maliwanag naman ang buwan at ang flash light ng cellphone ko ay naka bukas na rin. Hindi naman ako duwag kaya kere bells lang. Naiihi na talaga ako.
"After one milyon years sa wakas naka-ihi na rin."
Kaya lang hindi ko na alam ang daan pabalik sa batis kong saan kami namalagi.
Habang naglalakad ako pabalik sa kinaruonan namin pakiramdam ko lumalayo ako sa kanila. Dahil gabi hindi ko matandaan kong saang parte ako nang galing kanina. Inilawan ko ang lupa nagbabakasakali na may marka ng paa ko kung saan ako dumaan, kaso wala talaga.Wala ring signal ang phone ko. Hindi ko alam kong ilang minuto na akong naglalakad. Hanggang sa nakaramdam na ako ng takot. Kahit pagod ay patuloy parin ako sa paglalakad, nagbabakasakali na matagpuan ko na ang daan palabas.
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, halos dalawang oras na pala akong naligaw sa loob ng maisan na ito. Panigurado nag-alala na si Jaxson sa akin. Ang mga kaibigan ko. Alam ba nila na wala ako doon?Hinahanap ba nila ako? Nag-alala ba sila sa akin? O baka mahimbing na ang tulog nila? Naiiyak na ako. Pagod na ako sa paglalakad. Sumasakit na ang paa ko.Makati na ang kamay at binti ko. Ngunit hindi parin ako tumigil sa paglalakad, hanggang sa may narinig akong kaluskos sa di kalayuan.
"Babe! Best! Kayo ba iyan?" tawag ko ngunit walang sumagot. Baka guni-guni ko lang iyon.
Kinakabahan man ay pinatatag ko ang loob ko. Panay ang tawag ko sa pangalan ni Jaxson, sa mga kasama ko pero walang sumasagot. May narinig ulit akong kaluskos banda sa likuran ko. At sa puntong ito hindi ko na ito guni-guni. Base sa anino niya, isa siyang lalaki.
Nanginginig na ako sa kaba at takot sa taong nasa likuran ko. Siguro isa ito sa pinsan ni Jaxson at nang ti-trip sa akin. Pero kasama nila ang mga kaibigan ko. Pigil ang hininga na humarap ako sa kanya, ngunit sa kasamaang palad, na matay ang cellphone ko.
Kadiliman ang bumalot sa amin. Hindi ko makita ang mukha niya. Wala siyang salita, ngunit ramdam ko na nakatingin siya akin at may binabalak na masama. Umatras ako ng dahan-dahan, at siya ay umabanti rin sakin sinusundan ang bawat galaw ko. Lakad takbo na ang ginawa ko, kahit wala akong makita. Hanggang sa nadapa ako.
"Huwag niyo po ako sasaktan..Ma awa po kayo," humikbi at takot na takot sambit ko. Dala sa sinag ng buwan nakatingin ang lalaki sa akin.
"Hindi kita sasaktan kung hindi ka manlaban."
Gumapang ang takot sa buong sistema ko sa bruskong tinig niya. Napa atras ako ng humakbang siya palapit sa akin.
"Sandali lang ito. Basta huwag ka lang manlaban."
Sa sinabi niya alam ko na ang pakay niya. Tatayo na sana ako para tumakbo ngunit na abot niya ang kaliwang paa ko. Hinila ko ang paa ko ngunit malakas siya .Sumisigaw, sinisipa at nagmamaka-awa ako na bitawan niya ako ngunit lalo lang humigpit ang hawak niya sa paa ko.
"Pagbigyan mo na ako. Sandali lang ito."
Sisipain ko na sana siya nang daganan niya ako.
"Masasaktan talaga kita kapag nanlaban kapa," pagbabanta niya at hinaplos ang pisngi ko patungo sa labi ko. Napadaing siya sa sakit nang kinagat ko ang hintuturo niya. At tila na manhid ang kaliwang pisngi ko sa sampal niya.
"Mag behave ka lang please para matapos din tayo kaagad," malambing na saad niya at hinaplos ang pisngi ko kong saan niya sinampal.
Nagpupumiglas ako sa bawat haplos niya sa pisgi ko. Suntok. Kalmot. Hampas ngunit wala lang iyon sa kanya. Nang hubarin na niya ang pantalon niya nagkaroon ako ng pagkakataon para itulak siya. Agad akong tumayo at tumakbo nang makawala ako sa kanya. Umiiyak akong nananalangin na sana ay may tutulong sa akin. Na sana ay makita ko kahit isa sa mga kasama ko.
Ngunit kahit anong takbo ko ay na abutan niya parin ako. Ant hindi ako naka ligtas sa suntok niya sa sikmura ko. Huminto saglit ang paghinga ko dahil sa lakas ng suntok niya. Napahiga ako sa lupa at wala ng lakas ang katawan ko upang tumakas.
"Parang awa mo na...Huwag, please..." pagmamaka-awa ko.