A few months later… WEDDING DAY, ikinagulat ng mga empleyado ang pagpapakasal ng CEO at Bodyguard nito. Marami ang bumatikos sa kanila kung bakit sa dami ng mga lalaking nababagay sa CEO ay sa tauhan ito nagpakasal. Hindi naman apektado si Jordan sa kahit anong salitang naririnig niya. Ang focus ay nasa kaniyang bride habang papalapit ito sa altar kung saan siya nakatyo at naghihintay dito. Sinadya niya na ibang tao ang umagapay sa kaniya upang hindi malantad sa mga taong mapanghusga ang tunay niyang status sa buhay. Subalit pagdating sa reception hindi yata na inform ang kapatid na si Caithlyn at asawa nito na si Marcus Ortega. Nang magsalita ang mga ito ay binanggit ang tunay na pangalan ni Jordan, ganun din ang mga magulang nila. At ang lahat ng mga bisita na dumalo sa kasal nila

