NANATILI si Marah, sa loob ng VIP room, ang sabi ni Dra. Cathy, ilang oras pa raw ang hihintayin bago magising ang binata. Kaya habang naghihintay ay nagpa-deliver siya ng mga bulaklak karamihan ay orchids. At makalipas ang isang oras ay dumating ang order niya pinaayos na rin niya sa nag deliver ang mga yon. Nang matapos ay binigyan pa niya ng tips ang delivery man. Samantala sa dumating ang dalawang kapatid ni Jordan, si Kathleen at Caithlyn. At pagbukas pa lang ng pinto ay nalanghap agad nila ang mabangong amoy ng mga bulaklak. Natawa pa si Caithlyn nang mapagmasdan ang buong silid. Sobrang daming orchids ano kaya ang maging reaksyon ng kapatid pag nakita ang paligid. Talo pa ang nagkasakit na prinsesa sa dami ng bulaklak. “Ahm… doon muna ako sa labas.” Paalam niya sa dalawang kap

