NAGING matagumpay ang paghuli sa pinuno ng grupo na inutusan ni Alanis ll, upang patayin si Jayden at anak nila na si Mutya. Nalaman niya iyon nang mahuli ang isa sa mga tauhan ni Alanis ll. Umamin ito at isiniwalat sa kanila ang buong plano ni Alanis ll. Gusto pa lang bawiin si Paula Lei, kahit sa marahas na paraan. Akala yata magtatagumpay kaya mas lalo pang bumigat ang kasong kinakaharap. Nang makarating sila ng Manila, hindi na nag-aksaya ng panahon si Paula Lei, kasama ang asawa ay nagtungo sila sa kulungan. Ngayon ipapakita niya sa ex-fiance niya na nagkamali ito ng kinalaban. “Lahat ng plano mo walang nagtagumpay at mas lalo mo lang pinabigat ang sentensya mo.” wika ni Paula Lei, ang dami mong kakalabanin ang asawa ko pa. Lakas ng loob mo samantalang lahat ng negosyo mo ay bumag

