ANG honeymoon nilang mag-asawa ay hindi natupad lalo at ang anak nilang si Mutya ay laging naka dikit sa Mommy nito. Dumagdag pa ang paglilihi ni Paula sa ikalawa nilang anak. Everytime na malapatan ng pagkain ang tiyan ay sumusuka. “Sweetheart, kung ganyan ang sitwasyon mo mas mabuti pa bumalik na tayo ng maynila. Mas panatag ako kung naka minitor ang OB Gyn mo upang alagaan kayo ng anak natin dyan sa iyong tiyan.” worried na pahayag ni Jayden sa asawa. “Sige ikaw ang bahala,” ang tanging sagot ni Paula Lei. Marahil tama si Jay, kung nasa laot sila ng dagat baka biglang magkaroon ng emergency sa kanila ng anak. At delikado kung hindi agad madadala sila sa ospital. Mas mabuti kung naroon sila sa mansion Melendrez. Kinagabihan nagbigay ng instructions si Jayden. Sinabi niya na babalik

