APAT na oras ang nakalipas mula nang nag-propose si Jayden. Ngayon ay oras naman ng kasal nila kaya nang magkaroon ng pagkakataon ay mabilis na lumabas ng hall. “Bayaw, handa na ba lahat?” Tanong niya kay Drew. “Oo, ang kailangan na lang ni Paula Lei, magbihis na ng wedding gown, nasa taas na si Father, kararating lang niya.” “Okay, puntahan mo na ang kapatid mo at akoy pupunta naman sa aking silid upang mag palit na rin ng kasuotan.” “Go, ako na ang bahala sa kanya.” “Salamat bayaw, maiwan ko na kayo.” at agad na humakbang siya palayo. Pagpasok niya sa silid na okupado naroon ang mga kapatid. “Kuya Jay, bilisan mo na at baka maunahan ka ng brides.” Salubong sa kanya ni Caithlyn. “Hindi ayos lang nag-usap na kami ni Bayaw, may oras akong binigay sa kanya. “Si Uncle niya ang sasaky

