ISANG buwan na ang nakalipas magmula nang tanggapin ni Marci ang offer ni Jayden. At simula nang araw na nagsimula ito sa Montemayor Engineering Office and Architectural Firm nakakailang tawag na sa kaniya si Drew. May kasunduan sila ni Marci na hindi dapat malaman ni Drew kung nasaan ito kaya ang bibig niya ay nananatiling sarado. “Jay!” Malakas na sigaw ni Paula sa binata ngunit hindi siya nito naririnig. Masyadong mabilis ang lakad kaya agad na sinundan ang binata baka hindi niya abutan. Kailangan niya itong makausap dahil simula nang manggaling sila sa resort hindi na ito nagpakita sa kaniya. “Jay!” Napahinto sa paghakbang si Jayden ng maulinigan ang boses ng babae na tumatawag sa kaniya. Luminga siya sa paligid at nakitang tumatakbo si Paula, palapit sa kaniya. “Anong ginagawa

