ARAW ng turnover sa pagka president ni Paula Lei, hindi niya maintindihan ang nararamdaman, nagagalak, masaya at kinakabahan. Kahit anim na buwan lang yon pero sana lang magawa niya ng tama ang dating pwesto ni Marci. “Lei, hindi ka pa ba tapos diyan late na tayo?!” narinig niya na tinatawag siya ni Drew sa labas ng pintuan. “Mutya, halika na at aalis na tayo.” Ang anak ay kanina pa nakabihis nainip na rin ito kaya nag-laptop na lang ito. “Yes, mommy, wait a minute.” “Ano ba kasi ang ginagawa mo dyan sa laptop?” “Meron lang po akong ginagawa promise madali na ‘to.” Hindi nakatiis si Paula ay lumapit sa anak at sinilip ang ginagawa nito ngunit bigla nitong sinara iyon. “Stalker ka mommy ko, halika na po.” Saka tumayo at hinila na siya ng anak palabas ng pintuan. “Ang tagal nyo, by

