HALOS buong araw na walang nagawa si Jayden, nakatulala lang siya sa kawalan. Minsan tumatayo upang maglakad lakad pero doon lang din sa loob ng opisina niya. Ang isipan iya ay okupado ni Drew, Marci, Paula at Mutya. Ano ang relasyon ng mga ito at parang sobrang close naman yata. At si Marci, matagal niya na itong tauhan pero wala man lang siyang alam kung sino ang asawa nito. “Daddy ko!” malakas na sigaw ng tumatakbong si Mutya. Agad niya itong sinalubong at baka madapa, ang batang ito lagi din nasa opisina niya. Bigla na lang lumilitaw nasanay na rin ang kaniyang secretary sa kakulitan nito. Minsan naabutan niya na nakikipagtalo sa kanyang secretary. Kaya simula ng araw na yon ay sinabihan niya pag dumating si Mutya hayaan na lang pumasok sa loob. “Sino ang kasama mo, sweety?” “Si Mo

