KAHIT anong iwas ni Paula kay Jay, ay hindi siya umubra ng isama ni Mutya ang ama nito sa mansion Melendrez. At ang lalaking ‘to naman ay parang nanadya lang na hindi din siya pansinin. Feeling din eh, kala mo nasa sariling bahay kung kumilos. Kagaya na lang ngayon nang hanapin niya ang anak ay naroon ang mga ito sa kitchen. Ngunit hindi siya tumuloy at nanatili lang nakatayo sa ‘di kalayuan. Rinig narinig niya ang usapan ng dalawa. “Daddy ko, bakit hindi mo po kinakausap si Mommy ko?” “Kahit kausapin ko ang mommy mo hindi rin ako non papansinin. Ayaw yata akong makita kaya ganun.” mahinahon sagot sa anak habang may nagpapaawang mukha. “Eh, bakit sumama ka po dito kung hindi pala kayo mag-uusap ng mommy ko?” “Siempre naririto ang pinakamaganda kong anak at pinaka matalino pa sa lahat.”

