HACIENDA EL MONTEMAYOR ANG mga mata ni Mutya ay namimilog sa habang nakamasid sa paligid ng falls. Lalo na nang makita nito ang kiddie pool ay tumakbo na ito doon. “Anak, be careful baka madulas ka.” nag-aalalang wika ni Jayden. “Daddy ko, ang ganda po dito pwede na ba akong maligo?” “Sure,” pagkatapos ay sininyasan ang isang bodyguard at agad itong kumapit kay Jayden. “Bantayan mo ang aking anak at siguraduhin safe siya.” “Yes, Master Jay.” Tumalikod si Jayden at naglakad na papasok sa loob ng resthouse. Napatingala siya sa malaking painting nang kaniyang Lola Arriane. Napakaganda talaga nito noong kabataan, kaya siguro mahal na mahal ito nang lolo Lance niya. Saka talaga namang napakabait ng abuela. “Sino ang nasa painting na yan?” Sinulyapan muna ni Jayden si Paula, bago sumago

