MAY delivery na dumating at nang makita ni Paula, agad niyang naisip na painting ang malaking bagay na ‘yon. Kahit nababalutan iyon ng makapal na papel, obviously naman na painting. Pero kanino galing dahil wala naman siyang inoorder o binili para i-deliver dito sa manison Melendrez. Tinawag ni Paula Lei, ang isang tauhan at sinabing buksan iyon pero meron nakasulat na ‘exclusive’ ang painting. Kaya hindi pinakialaman ng staff. “Ihahatid ko na lamang po sa silid mo ito, Ma’am Paula, doon mo na lamang buksan ang mga ito.” “Sige, maraming salamat.” At iginiya na nang isang kasambahay ang dalawang tauhan. Siya ay nanatili sa baba at isa-isang tinitingnan ang katatapos na bagong interior designed ng living room. Ilang minuto pa na nag stay doon bago nag pasya ng umakyat sa kaniyang silid.

