MULING nagkita-kita ang magkakaibigan. At habang busy sa masayang usapan ang mga ito ay iniwan muna ni Jay si Paula sa mga pinsan. Si Mutya ay naroon sa parents niya at kalaro din ang mga pinsan nito. “Saan ka pupunta, Jay?” tanong ng Kuya Jordan niya. “May mahalagang aasikasuhin lang ako. Kaya ikaw muna ang maging ako, hindi ka pa naman nakikita ni Paula Lei, kaya hindi yon makakahalata.” “Bilisan mo lang bumalik dahil baka pag nakita ako ang anak mo sigurado buking ako.” “Babalik agad ako, Kuya Jordan.” “Okay, go!” at naghiwalay na sila ng kakambal. Si Jayden ay palabas ng mansion habang si Jordan ay papasok sa loob para mag-panggap.” Kasama ni Jayden si Rus, sa sports car ng kakambal niya. At halos paliparin niya ang sasakyan sa bilis ng pagpapatakbo. Panay din ang sulyap niya

